Chapter 16

1.7K 42 11
                                    

Zeila's Pov

"How dare you talk to her like that?!"

Umalingawngaw sa buong room ang galit at malakas na boses ni Glenn.Tila wala siyang pakialam kahit mamatay-matay na sa sakit ngayon si Wency.Nakatingin lang siya rito ng matalim,tila hindi pa siya nakukuntento sa ginawa niya rito.

"H-help argh!Help me!",nahihirapang sabi ni Wency ngunit wala ni isang lumapit sa kanya.

Hindi na ako nagdalawang isip pa,lumapit ako sa kanya tinulungan siyang tumayo ngunit biglang hinigit ni Glenn ang braso ko at inilayo kay Wency.

"G-Glenn ano ba?Ba-bakit mo naman ginawa yun?",mahinang sabi ko at nag-aalalang tumingin kay Wency.Nasasaktan ako kasi nakikita ko ang sarili ko sa kanya.Ganyan na ganyan din ang hitsura ko nun,kung paano ako mamilipit sa sakit dahil sa ginawa ni Glenn.Parang bumabalik nanaman sa akin ang lahat.

"She pulled your hair!She even tapped your shoulder harshly!",galit na sabi nito at akmang lalapit uli kay Wency pero pinigilan ko na siya.

"Ta-tama na.Hi-hindi naman masakit eh.Tigilan mo na..",sabi ko at muling tumingin kay Wency.Medyo nakahinga ako ng maluwag nang makitang tinulungan siya ng dalawang lalaki na kaklase namin.Binuhat siya ng isa na pabridal style at itinakbo palabas ng room.

Nanatili akong nakatayo,gayun din si Glenn at ang mga kaklase namin.

"What are you all looking at?!",malakas na sigaw ni Glenn kaya nagsi-iwasan ng tingin ang mga kaklase ko at bumalik na sa kanila-kanilang mga upuan.

Napatingin ako sa labas at nun ko lang nalaman na may mga tao din pala na nakasilip sa loob ng room namin,siguro taga kabilang section ang mga ito.Mabilis silang nagsipulasan sa harap ng room namin nang samaan sila ng tingin ni Glenn.

Wala sa sariling napaupo akong muli sa upuan ko at natulala sa armchair ko.

Bakit naman niya ibinalibag si Wency?Grabe na talaga siya.

"Zeila..",rinig kong malumanay na sabi nito ngunit hindi ko siya nilingon.Nanatili akong nakatingin sa armchair ko. "Zeila..",muling tawag nito sa pangalan ko ngunit katulad kanina ay hindi ko ito pinansin.

Rinig ko ang malutong na pagmumura nito at ang malalim nitong pagbuntong hininga.

"Zeila are you mad at me?",diretsahang sabi nito at inalog-alog ang balikat ko.Nanatili ako nakatungo at hindi tumitingin sa kanya.Ako?Galit?Hindi ako galit pero naiinis ako.Kahit pa sabihin na ipinagtanggol niya ako kanina,mali parin yun.

"Ba-bakit mo naman ginawa yun?",mahinang sabi ko nang hindi tumitingin sa kanya.

"Because she scolded you!She hurted you!",tila galit na sabi nito.Napabuntong hininga naman ako at tumingin sa kanya.Nakakunot ang mga noo nito pero pansin ko na nawala na ang madilim na awrang bumabalot sa kanya kanina.

"Pero Glenn,babae parin yun.I-Ibinalibag mo siya kanina.A-alam mo ba kung gaano kasakit yun para sa isang babae?",sabi ko.Mas lalong kumunot ang noo nito dahil sa sinabi ko.

"I don't care.If she don't want me to hurt her,she shouldn't have done that and I don't feel any regret on what I did.She deserve that.",nag-iigting pangang sabi nito kaya natahimik na ako.Okay,galit nanaman siya.

"Bahala ka nga..",mahinang sabi ko at muling tumingin sa unahan.Rinig na rinig ko ang malalim na pagbuntong hininga nito.Medyo napaigtad ako nang bigla niyang hawakan ang manggas ng damit ko at marahang hinila-hila iyon.

"Zeila don't get mad..",tila parang batang sabi nito at patuloy na hinihila ang manggas ko.Napatingin ako sa mga kaklase kong nakatingin sa amin ngayon.Ako nahihiya sa ginagawa niya eh.

The Bully's AddictionWhere stories live. Discover now