Zeila's Pov
"Aray!Bi-bitawan mo ako!Hi-hindi!Hindi ako sasama sa'yo!"
Marahas akong nagpumiglas sa pagkakahawak nito ngunit mas humigpit lang ang hawak nito at pilit akong hinihila palabas ng condo.
"Shut up!You will go with me,Zeila!You're such a stubborn woman!I said don't go outside my room!",galit na sabi nito at binuhat ako na parang sako ng bigas.Pinaghahampas ko naman ang likod nito.
"Bitawan mo ako!Bitawan mo ako!"
"Zeila!Zeila!Kuya Glenn!Let her go!",narinig ko ang pagsigaw ni Señorita Keisha.Nagpupumiglas ito sa pagkakahawak sa kanya ng dalawang kapatid ngunit sadyang malakas ang mga kapatid nito kaya hindi siya makahabol sa amin.
Napaiyak nalang ako habang nakatingin sa kanya lalo pa't nakita kong lumuluha narin ang Señorita.
"Kuya Glenn!Don't hurt her please!Kuya Glenn!Tigilan mo na siya!Argh!Bitawan niyo ako!"
Bigla akong natahimik at napaisip dahil sa mga nangyayari ngayon.Napatingin akong muli sa Señorita na hanggang ngayon ay nagpupumiglas parin sa pagkakahawak sa kanya ng dalawa.Halata ang hirap sa mukha nito habang sumisigaw.
Nakakainis..
Naiinis ako sa sarili ko dahil idinamay ko pa siya rito gayong wala naman talaga siyang kinalaman .Nadamay pa siya sa gulo namin nila Glenn.Baka ako pa ang maging dahilan ng pag-aaway nila.
"Kuya please..Tama na,Kuya pakawalan mo nalang si Zeila!"
Tama na,Señorita..tama na.Ayokong mag-away-away kayomAyoko ng mahirapan ka pa sa pagtakas sa'kin.Sa kakaisip kung saan ako itatago.Siguro,ito talaga ang kapalaran ko.Siguro,hindi pa talaga ako tapos magbayad kay Glenn.Siguro,hindi pa sapat ang mga pananakit niya sa akin at kailanman hindi magiging sapat.
Bakit ganito?Bakit nagtagpo pa ang landas namin?Ayoko na siyang makita.Ayoko ng makita si Glenn.
Pabagsak niya akong ipinasok sa kanyang kotse kaya nauntog ako sa bubong nito pero hindi ko ininda iyon,sinubukan kong buksan ang pintuan ng kotse ngunit mas lalo akong naiyak nang magsimula na siyang paandarin ito.
"G-Glenn..",nanginginig na tawag ko sa pangalan nito.Hindi ako nito pinansin bagkus ay mas binilisan pa nito ang pagmamaneho.
"You pushed my button,Zeila!I said don't go out in my room yet you disobeyed me!And worst!You leave the house for what?!To escape?!",parang kulog ang boses nito sa sobrang lakas na siyang ikinatakot ko lalo.
"G-Glenn sorry,na-nandiyan nanaman si Cheska diba?Bakit ayaw mo pa akong pakawala--"
"Shut the f*ck up!Do you think you can escape from me just because Cheska's back?!Hell no baby!You can't go away.Hindi ka makakatakas sa akin..",mas lalo akong naiyak sa sinabi niya.Ano pa ba,Glenn?Ano pang gusto mo?Nandyan na si Cheska,ano pa ba?Pakawalan mo nalang ako..
"Nakikiusap ako sa'yo Glenn.Tama na..siguro naman..nakaganti ka na.Nasaktan mo na ako!Sobra mo na akong nasaktan!Ano pa bang gusto mo?!Hindi pa ba yun sapat?Sige!Saktan mo ako!Saktan mo nalang ulit ako!..",hindi ko na napigilang isigaw. "Tapos..pagkatapos nun..pa-pakawalan mo na ako,maawa ka naman sa'kin.."
Bigla nitong inihinto ang kotse kaya natigil ako sa pag-iyak.Bigla itong bumaba ng kotse.Sinundan ko naman siya ng tingin.
Pabababain na niya ba ako?
Binuksan niya ang pintuan sa backseat kung saan ako naroon.Akala ko pabababain na niya ako pero mas nagulat ako kasi bigla siyang pumasok at muling isinara ang pinto.
"G-Glenn..",napaurong ako palayo sa kanya.
Mas lalo akong kinabahan nang makitang unti-unti nitong tinatanggal ang butones ng polo niya.