Chapter 5

1.1K 35 1
                                    

Zeila's Pov

"Oh my ghod!What happened to you?!"

Dahil sa sobrang panghihina ay hindi ako nakasagot sa sinabi ng babaeng biglang dumating dito sa kusina.Sa pagkakaalam ko ay ito si Señorita Keisha.

Mabilis itong dumalo sa akin at tinulungan akong tumayo, hindi na ako nag-apila dahil hindi ko rin kayang tumayo mag-isa.Dinala niya ako sa upuan at doon pinaupo.Napayuko ako sa lamesa at pagod na pumikit.

"What happened to you?You have bruises!And oh my goodness!Nagdudugo yung ulo mo..", mahahalataan mo ang pagkataranta sa boses nito ngunit hindi ko parin siya masagot.Parang mas lalo akong nanghina dahil sa sinabi nito.Hindi ko alam pero bigla nalang akong humagulgol sa harap niya.

"H-hey.."

"Ayoko na..", halos pabulong na anas ko.May kung anong malamig akong naramdaman sa ulo ko.Nag-angat ako ng tingin para lang makita ang seryosong mukha ni Señorita Keisha habang ginagamot ang ulo ko.Pinupunasan niya pala ang dugo sa ulo ko gamit ang tela na nilagyan ng yelo sa loob.Napansin ko rin ang Med Kit na nakalatag sa lamesa.

"S-Señorita Keisha, ako na po..", nahihiya pang sabi ko at akmang kukunin sa kanya ang tela pero iniwas niya ito dahilan para hindi ko makuha.

"Stay still, ako na ang gagamot sayo..", seryosong sabi nito kaya't napayuko nalang ako hinayaan siya na gamutin ang likod ng ulo ko.Napakaseryoso ng mukha nito habang idinadampi ang gamot sa ulo ko.Dito ko nasilayan ng malapitan ang mukha niya.Alam ko na talaga na maganda siya, actually silang lahat at ngayon mas gumanda pa siya sa paningin ko.Hindi naman pala siya masama katulad ng iniisip ko, mabait naman pala siya, siguro trip niya lang kunin ang cellphone ng kapatid niya.

"I know I'm pretty but dont stare at me like that like what the hell? Are you a lesbian?!", hindi ko alam kung maiinsulto ba ako o matatawa dahil sa sinabi niya.Seryoso?Mukha ba akong tomboy?

"S-Señorita, hindi..", sabi ko.

"Then why are you staring at my pretty face?!", mukha pa itong naghi-hysterical at frustrated dahil lang sa tinitigan ko ang mukha niya.Ano namang masama doon?Nagandahan lang naman ako sa kanya.

"Nagandahan lang ako sayo, Señorita..", sabi ko kaya naman mas lalong kumunot ang noo nito.

"See? You have a crush on me!", nanlaki ang mata ko sa sinabi nito.Ako?May crush sa kanya?Mukha ba talaga akong tomboy sa paningin niya?

"Hindi po, hi-hindi kita crush.Straight ako Señorita..", nakangiwing sabi ko dahil medyo napadiin ang pagkakadampi niya ng bulak sa labi kong siguradong pumutok dahil sa pagsampal sa akin ni Glenn.

Si Glenn..

Naalala ko nanaman siya, naalala ko nanaman yung ginawa niya sa akin kanina.Pagkatapos kasi nun ay bigla nalang siyang umalis ng kusina at iniwan akong nakahandusay sa sahig.Halos hindi ko na nga magalaw ako katawan ko dahil sa pananakit niya.

Naghahalo-halo nanaman ang emosyon ko, naramdam ko nanaman ang kaba, takot, pagkabahala at...sakit na ipinaramdam niya sa akin.

Dumagan ang sakit sa dibdib ko nang maalala kung paano niya ako sampalin, sabunutan at iuntog sa pader ng paulit-ulit.Napakalupit niya talaga, ang sama niya.

"You're crying again..",wala akong naisagot sa sinabi ng Señorita.Hinayaan ko lang ang sarili na umiyak.Bakit ko pa pipiglan?Heto lang naman ang alam kong paraan para mabawasan ang sakit na nararamdaman ko.

Bigla kong naalala ang dahilan kung bakit siya galit sa akin.

"...because of that f*cking Dalia, Cheska broke up with me!Argghh!"

The Bully's AddictionWhere stories live. Discover now