Zeila's Pov
Ang akala ko ay ikukulong na talaga ako ni Glenn sa kwarto niya matapos ang pangyayari na'yun pero laking tuwa ko nang pumayag siyang lumabas ako ng kwarto niya...
..basta kasama siya.
Aish!Napaka aish!Kahit saan ako pumunta nakasunod at nakadikit siya sa akin.Nagmumukha niya akong nanay dahil sa ginagawa niya.Nanay niya ba ako?Ako ba si Ma'am Yvanna?Hindi!Ako si Zeila!
Katulad nalang ngayon.Nakadikit nanaman siya sa akin habang nagwawalis ako.Para siyang batang nakasunod sa akin kahit saan ako pumunta basta siya,sa tabi ko lang.Hay nako.
Itinabi ko ang walis tambo at dustpan sa kusina at hinarap siya.
"Glenn,umupo ka muna dun.Magluluto lang ako..",sabi ko at itinuro ang counter pero iling lang ang sagot nito sa akin. "Umupo ka dun..",sabi ko ulit at muling itinuro ang counter pero umiling itong muli sa akin kaya napasapo ako sa noo.
"Ayoko..",simpleng sabi nito at mas nauna pang pumunta sa harap ng kalan.Napailing-iling nalang ako at sumunod sa kanya.
"Ang tigas ng ulo nito..",bulong ko ngunit mukhang narinig niya iyon dahil biglang nangunot ang noo nito.
"I heard that..",kunot-noong sabi nito.Hindi ko nalang siya pinansin at naghanda nalang ng ingredients na gagamitin ko.Fried chicken nalang siguro ang lulutuin ko ngayon. "Zeila,I'll help you,I want to cook",saglit ko siya sinulyapan bago muling ipinagpatuloy ang paghihiwa sa manok.
"Hindi na,madali lang naman itong lulutuin ko.Hindi muna ako magsasarsa.Pritong manok muna ngayon..",sabi ko at ibinuhos ang isang balot ng harina sa isang lalagyan.
"Sige na Zeila.I want to cook..",nangungulit na sabi nito ngunit hinindian ko parin.Hindi na noh,mamaya magkalat lang siya dito eh.
"Marunong ka ba?",tanong ko rito at muling siyang sinulyapan.
"Hindi.."
"Oh hindi naman pala eh.Manood ka nalang diyan o kung gusto mo,dun ka.Doon sa counter..",sabiko at itinuro yung counter gamit yung tong.
"I'll just watch you..",sabi nito kaya tuluyan ko na siyang nilingon.
"Bakit ba ayaw mong umupo doon,huh?",sabi ko at ibinaliktad ang kabilang side ng manok.
"Ayaw ko doon.Nandito ka eh..",sabi nito at biglang yumakap sa tagiliran ko kaya nanigas ako sa kinatatayuan ko.A-ano ba'to?Biglang nangyayakap.
"Oy ano ba?Bi-bitaw nga!Nagluluto ako eh!",may kalakasang sabi ko at pilit na kinakalas ang braso nito ngunit hindi ito bumitaw bagkus ang sumubsob pa sa leeg ko kaya mas lalo akong hindi nakagalaw.
"Bitaw"
"Ayaw.."
"Bitaw sabi eh!"
"Ayaw!"
Napahilamos nalang ako sa inaasta niya.Dinampot ko uli yung tong at muling ipinagpatuloy ang pagluluto kahit pa nakakadistract itong nilalang na nakayakap sa akin.
"Zeila bukas papasok na tayo sa Emerald.."
Mas lalo akong nanigas dahil sa sinabi nito.Sandali akong hindi nakaimik sa sinabi niya.Gumawa ako ng pekeng tawa at ipinagpatuloy ang pagpiprito.
"Ikaw lang ang papasok bukas.Hindi na ako doon mag-aaral..",sabi ko.Mas lalo namang humigpit ang yakap nito sa akin.Nangunot ang noo nang maramdamang may tumutusok sa pwetan ko.Hmm?Ano yun?
"No,you will go to Emerald tomorrow with me..",matigas na sabi nito kaya napabuntong hininga ako at hindi na lamang pinansin ang bagay na tumutusok sa likod ko.