Zeila's Pov
"Zeila,napapansin kong madalas kang tulala.."
Kukurap-kurap akong napaharap kay Ate Audette.Bigla akong natauhan dahil sa kanyang sinabi.Muntik ko ng pukpukin ang sarili kong ulo dahil kung ano ano nanaman ang iniisip ko.
'Ano ba,Zeila?Umayos ka!Kahapon pa nangyari yun.Di ka parin makamove on?!Magtrabaho ka ng maayos..'. panenermon ko sa aking sarili.Nakakainis dahil hanggang ngayon ay naaalala ko parin ang ganoong klaseng pigura niya.
"Wala ka lagi sa sarili mo,mula ng dumating ka dito sa mansyon ay madalas kang ganyan.May problema ka ba dito sa mansyon?Hindi ka ba komportable?",umiling at tipid na ngumiti na lamang ako sa sinabi niya.
"M-medyo naninibago lang ako Ate Audette..",sabiko.Sinuri ko ang mga gulay at iba pang sangkap na gagamitin para sa pagluluto.Natuwa naman ako nang makitang fresh na fresh ang mga iyon.Mabuti naman kung ganun,kung mas fresh ang sangkap,mas masarap.
Napatingin akong muli kay Ate Audette nang hindi na ito muling nagsalita.Naabutan ko siyang nakatitig sa akin kaya ay medyo nailang ako.
"M-may problema ba Ate Audette?"
"Meron..",kinabahan ako sa tinugon niya.Anong problema?
"A-anong problema Ate Audette?M-may nagawa ba akong hindi tama?M-may mali ba sa mga ginagawa ko?",napatingin ako sa mga niluluto ko bago ibalik muli ang tingin sa kanya.Hindi nabawasan ang kaseryosohan ng mukha nito kaya mas lalo akong nakaramdam ng kaba.Galit narin ba siya sa akin?
"Hanggang ngayon kasi ay pinoproblema ko parin ang sugat diyan sa labi mo,hindi mo pa sinasabi sa akin kung ano ang nangyari diyan..",saglitakong natulala sa kanya ngunit maagap din akong sumagot.
"Sinabi ko na sa'yo na na-nadapa ako sa hardin kaya---"
"Alam kong hindi 'yan ang tunay na dahilan,Zeila..",natahimik ako sa kanyang sinabi. "Sabihin mo sa akin kung ano ang totoo,bakit may sugat ka sa labi?Maging sa iyong mukha at ang akala mo ba'y matatago mo sa akin ang sugat diyan sa ulo mo?Yan ba ang nadapa lang,Zeila?",mas lalo akong hindi nakasagot sa kanya.Nakakahiyang tumingin sa mga mata niya,nakakaguilty dahil nagsisinungaling ako sa kanya.
"Sabihin mo sa akin,Zeila.."
"A-ayokong pati ikaw ay palayuin niya sa'kin..",malungkot na saad ko.Kumunot ang noo nito at mas lumapit sa akin.Itinigil ko ang paghahalo sa ginisa at pinatay ang apoy.
"M-may nanakit sa'yo dito?Sino siya?",ramdam na ramdam ko ang pag-aalala nito kaya naman hindi ko maiwasang hindi mangilid ang luha sa aking mga mata. "Sagutin mo ako Zeila.."
"Ka-kapag sinabi ko sa'yo,papalayuin ka niya sa akin..",naluluhang sabi ko.Hinawakan naman nito ang balikat ko at mataman akong tinignan.
"Sino ba ang taong tinutukoy mo?Bakit niya ako papalayuin sa'yo?",tanong nito pero inilingan ko ito.
"Hindi ko pwedeng sabihin sa'yo..",umiling na sabi ko.
"Pero Zeila---"
"Please ate Audette,ayokong malayo sa'yo.Paniguradong palalayuin ka niya rin sa akin.Ka-kayo lang ni Mama Tess ang nakakausap ko rito sa mansyon", at si Señorita Keisha.
"Zeila.."
"Please,huwag mo nalang alamin Ate.A-ayos naman na ako eh,hi-hindi na masyado masakit..",sabi ko pero sa totoo lang,masakit pa talaga.Masakit na masakit pero ayoko ng magtanong pa siya.Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya na si Glenn ang may gawa nito sa akin.Baka palayuin niya rin si Ate Audette sa akin,kagaya ng pagpapalayo niya kay Señorita Keisha.
Oo,ganun si Glenn,siguro dahil ayaw niyang makahanap ko ng sandigan at kakampi.Ang gusto niya ay palagi akong nag-iisa.Isa ito sa mga pagpapahirap at pasakit niya sa akin.