Zeila's Pov
Hindi ko alam kung ilang beses na ba akong napabuntong hininga dahil sa katangahan ko.Nanggigigil na napahilamos ako sa mukha at kaliwa't kanang nagpalakad-lakad.
Naiwan ko si Glenn doon sa Scholar's canteen.Masyado akong nagpadala sa emosyon ko,sa takot ko.Natakot ako sa kung ano mang sasabihin ng iba sa akin.Nung sumigaw ako..lahat sila napatingin sa akin.Ewan ko ba,may trauma na ata ako kapag sa akin nababaling ang atensyon nila.Pakiramdam ko kasi sasakmalin nalang nila ako anumang oras.
At tsaka..
Naalala ko yung ginawa sa akin ni Glenn nung unang beses na tumakas ako kasama sina Señorita Keisha.Hinding-hindi ko yun makakalimutan.Halos..halos rapin na niya ako nung mga oras nayun.Doon sa sasakyan niya,takot na takot ako nun at ngayon..bumaliknanaman ang takot na naramdaman ko nun,sa isip isip ko kasi ay baka ganun din ang gawin sa akin nung lalaking nagpakilala bilang Gael kaya nawala sa isip ko na naghihintay pala sa akin doon si Glenn.
Pinakiramdaman ko ang sarili ko,tinignan ko ang mga kamay ko kung nanginginig pa ba,mabuti ay hindi na.Paniguradong magagalit sa akin si Glenn dahil sa pag-iwan ko sa kanya doon.Nandoon parin kaya siya hanggang ngayon?Eh kung balikan ko kaya siya dun?
Pero ayoko.Natatakot ako,baka pagdating ko doon,sampalin nalang ako bigla ni Glenn dahil sa pang-iiwan ko sa kanya.Hindi ko naman sinasadya eh,natakot lang ako.
Halos maiyak ako dahil sa mga naiisip ko pero pilit ko paring pinapakalma ang sarili.
"Ang sabi niya,magiging mabait na siya sa'yo Zeila.Relax kalang..",pagkakausap ko sa aking sarili.Dinampot ko ang aking bag at nagsimula ng maglakad paalis sa hardin ng eskwelahan.
Ngunit nakakailang hakbang palang ako nang muli akong mapahinto.Natulala ako sa damuhan at napaisip.
Paano kung hindi pala..hindi pala totoo yung mga sinabi niya?Paano kung hindi niya totohanin lahat ng sinabi niya at saktan muli ako?
Paano kung..paano kung nagpapanggap lang siya?
Marahas kong ipinilig ang aking ulo at nagsimulang maglakad muli.Tsaka ko na muna iisipin ang mga katanungan na iyon.Sa ngayon ay wala namang kahina-hinala sa kanya.
Dapat ay balikan ko na siya doon,baka naiinip na iyon at tsaka binilin pa naman sa akin ng mga magulang ni Glenn na bantayan at pagsilbihan ko daw ang anak nila.Baka malagot ako sa mga yun.
"Iverson's girl.."
Muli akong napahinto paglalakad nang bumungad sa akin ang isang morenong lalaki.Nalaman ko agad na kolehiyo na ito dahil sa uniform na suot niya.Masasabi kong may hitsura ang isang 'to pero mas lamang parin si Glenn--Tss ano ba 'tong sinasabi ko?
"Hey Iverson's girl..",marahang sabi nito at lumapit sa akin kaya napaatras ako.Sino 'to?Anong Iverson's girl?Ako ba ang tinutukoy niya?
"A-ano pong kailangan niyo?",medyo natatarantang tanong ko.Mas lalo pa akong napaatras nang makita ang tila malademonyo nitong ngisi.
"So ikaw pala ang kinababaliwan ng g*go na'yun..",sabi nito at matunog na ngumisi.Tinignan ako nito gamit ang naniningkit niyang mga mata.Tila tinitimbang at sinusuri niya ako.Hindi ko maiwasang mailang dahil sa ginagawa niya.
"Hmm I wonder..what's so special about you?For me,you're just simple..too plain.Ni wala ka sa kalingkingan ni Cheska..",tila nang-iinsultong sabi nito.Napalunok ako nang marinig ko ang pangalang Cheska.
"A-Ano bang sinasabi mo?",sabi ko.
"I just want to give a warning.I'll straight it to the point.Stay from Iverson--Glenn rather,huwag mo na silang guluhin ni Cheska.Leave the couple alone..",madiing sabi nito kaya nakaramdam ako ng kaba.May kung anong kumalabit sa puso ko dahil sa kanyang mga sinabi.