III. Thanatos

5.3K 144 21
                                    

Dedicated kay @koreankawaiiaddict pasensya na po kung hindi ko totally ma-dedicate, mobile lang po gamit ko, di oo knows kung pano mag-dedic sa mobile. Hehe!

Chapter 3
Jasmine Sophia Andrews

Simula ng makaalis kami sa mansyon ng Montemayor ay hindi pa din natatapos ang pagtatalo ni Starr at Beau. Ilang beses nilang nabanggit ang pangalan ng kanilang Ina at ni Marcello pero hindi ko maintindihan ang daloy ng pagtatalo nila. At isa pa ay ginugulo ako ng karumal-dumal na nadatnan ko doon, pati na din ng nakasulat sa katawan ni Sven.

XIV is obviously a number. Roman numeral for fourteen. Pero ano bang meron doon? A year? 2014? Fourteen years ago? Probably fourteen years ago. Pero anong meron non? 2015 na ngayon, bawasan ng fourteen years, 2001. Anong meron ng taong iyon? Kung si ate Mikayla ang gumawa noon, diba dapat ay XVIII? Dahil eighteen years ago namatay ang Mama niya.

"What's with fourteen?" I asked Liana and Night na siyang kasama ko ngayon. Sabay silang umiling pero alam kong may alam sila. Base sa pagkabahala sa mukha ni Liana, alam kong may alam sila.

Pumunta ako ng Gray, doon ay nakaharap si Kein sa tapat ng isang computer at may kung anong code akong nakita sa screen no'n. Binary codes, pero hindi ko alam kung para saan. Nasa tabi niya si Vector na tulala lang at nakasandal sa swivel chair na kinauupuan niya. Kumatok ako mula sa bintan at natawag naman nito ang kanilang pansin. Kein waved at me tapos ay sumenyas na pumasok ako samantalang si Vector ay simpleng tinignan lang ako at bumalik sa pagkatulala.

Vector Castellar or should I say Vector Uvalles is Starr and Beau's older brother. Sa pagkatanda ko ay nasa late thirties na ito, samantalang si Beau ay nasa late twenties pa lang o early thirties. Hindi ko alam, I just realized now, wala pala akong gaanong nalalaman tungkol sa kanilang tatlo. Ang alam ko lang ay anak sila ng pinakamatalik na kaibigan ng Mama ni Ate Mikayla. At na si Beau ang ex-fiancee ni Eron. I'm working with them, sila ang pinakapinagkakatiwalaan kong tao ngayon, pero wala akong alam na kahit ano tungkol sa kanila bukod sa si Vector ang nagpapatakbo ng dati kong pinapasukan na eskwelahan - na hindi ko alam kung bakit sila nagmamay-ari noon. Tapos ay nagkaron dati si Starr at Beau ng alitan dahil sa pagpatay niya ng isang miyembro ng Black Rose - na hindi ko din alam kung nagkaayos na ba sila.

Ang daming misteryo sa kanilang tatlo at hindi ko maipaliwanag kung bakit kahit ganon ay kampante akong mapagkakatiwalaan ko sila. Marahil ay sa mas madaling magtiwala kung wala kang alam kesa meron. It's easier to trust a stranger than to trust someone you already know.

"How was your mission? Did you do it well? Wala ako dito kanina kaya hindi ko alam. Si Kuya Vector naman ay kanina pa tulala." Tipid na ngumiti ako sa kanya at umiling.

"Hindi tagumpay." Habang nakaupo sa swivel ay pinagulong niya ang upuan palapit sa akin tapos ay niyakap ang aking bewang gamit ang kanan niyang kamay at ang isa ay kinuha ang kamay ko tapos ay hinalikan ang likod ng nito.

"It's alright. Are you tired?" Tumango ako. Pinaupo niya ako sa kanyang kandunga at minasahe ang aking kamay, which is relaxing.

I'm so tired. So tired with all of this. Parang araw araw na lang ay may bagong misteryo. May bagong tanong na dumadagdag tapos ay kapag nangyari iyon ay bagong kasinungalingan na naman ang dapat sabihin para mapagtakpan. Two years ago I was fine not knowing anything. Not knowing that I'm being manipulated to do a thing I thought was good but isn't. My life was fine that way, hanggang sa malaman ko ang totoo. Hanggang sa dahil sa nalamang kong katotohanan ay nabalot ako ng katanungan, I went looking for the answers only to have more questions to ask, only to make my life more complicated. Minsan ay naiisip ko, mas maayos kaya ang buhay ko kung hindi ko na lang alam ang lahat ng ito?

I don't know. Sa dinami ng katanungang nasa utak ko ngayon, yan ang nag-iisang bagay na hindi ko na malalaman pa ang kasagutan. Dahil kahit anong gawin ko, hindi ko na maibabalik ang oras na iyon at makita pa kung anong mangyayari sa akin kung hindi ko na lang nalaman ang lahat ng ito.

Art of Assassination Trilogy (Book2): VengeanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon