JhasMean: May dinagdag akong row sa code, nagkamali ako ng pagkakalagay, eh. Check niyo na lang po iyong last chapter. Thanks! Hope you enjoy this. :)
X
"That's impossible!" Tinalikuran ko si Jasmine matapos kong marinig ang kwento niya.
Hindi kalaban si Marcello? Paanong hindi magiging kalaban si Marcello, ang sabi sa akin ni Tita Beatrice ay si Marcello ang pumatay kay Mama kaya isa siyang kalaban.
"Creid was lying. He always has. Kung may tao mang hindi mapagkakatiwalaan dito ay si Creid iyon." Saad ko at umupo sa sofa, pinatong ko ang siko ko sa arm rest at hinilot ang aking sentido.
"Si Marcello ang nagbigay ng impormasyon tungkol kay Yñigo. Miyembro ng Diamonds si Yñigo, bakit niya hahayaang mapahamak ang kasamahan niya?" Pagpupumilit pa rin ni Jasmine.
"Because that's what he do, he betray people. He's expert at betraying people."
I don't have any memory of my father, tanging ang mukha niya lang ang naaalala ko dahil sa aksidenteng natamo ko noong pinatay niya si Mama. I was that time, at ang sabi ay dahil sa trauma ay wala akong maalala bukod sa nangyari ng gabing iyon. Nang nagmamadali si Mama na umalis kami sa bahay namin, ang tawag ni Medrino pati ang takot sa mukha ni Mama habang kausap niya sa telepono noon si Marcello. Si Tita Beatrice ang nagsabi sa akin na si Marcello ang pumatay kay Mama, at tumatak na iyon sa utak ko. Tumatak na sa isip ko na kailangan kong makaganti sa kanya dahil sa pagpatay niya sa Ina ko.
Iniwan ko silang dalawa sa sala at pumunta sa kwarto ko at ni-lock ang pinto upang hindi sila makapasok pa dito. Humiga ako sa kama at tumitig sa kisame.
Kalaban si Marcello. Tinatak ko iyon sa aking isipan hanggang sa makatulog ako, nagising na lang ako na tumatawa dahil sa isang panaginip na hindi ko maalala kung ano. Tanging isang lalaki, batang babae at isang baby lang naaalala ko.
"Anong napaniginipan mo?" Lumingon ako kay Sef na nakaupo sa dulo ng kama ko at nakakunot ang noo. Umiling ako sa kanya. Nakita ko ang pagkain sa lamesa dito sa kwarto ko. "Kumain ka na. Alas-dos na."
Tumango lang ako bilang sagot at bumangon sa kama at pumunta sa may lamesa at kinain ang niluto niyang Adobo.
"Ano nga pala 'yung sasabihin mo sa akin kanina?" Tanong ko bago sumubo ng pagkain. Sa pagkakatanda ko kasi ay may sasabihin siya sa akin bago biglang dumating si Jasmine at kinwento ang napakaimposible niyang haka haka.
"Nakalimutan ko na. Kumain na dyan. Matutulog na ako." Lumapit muna siya sa akin at hinalikan ang noo ko bago umalis.
Nang maubos ko ang kinakain ay lumabas ako upang hugasan at ligpitin ang pinagkainan ko. Pabalik na ako sa aking kwarto nang makita ko sa coffee table sa sala ang papel na binigay ni Thanatos sa akin at muli itong binasa. Paulit ulit kong binigkas ang bawat letra, at siniguradong wala akong nakaligtaang salita mula rito, ngunit hindi ko pa rin maintindihan kung ano ang gustong ibigay na mensahe ni Thanatos sa akin.
Tita Beatrice told me that never ignore a word from a mysterious person, dahil palaging may kahulugan ang sinasabi nila. Thanatos is a mystery to me, kaya imposibleng wala lang itong sulat na binigay niya. Ang tagal kong inalam kung sino siya mula kay Sef ngunit wala akong makuhang sagot, and now siya na mismo ang kumakausap sa akin.
"Maybe it's not about the answers..." Bulong ko sa sarili. Dinala ko ang papel sa aking kwarto at pumwesto sa may study table, kumuha ako ng isa pang pirasong papel at sinulat doon ang mga letrang hindi nagamit bilang sagot.
MEDRINO IS THE REAL ENEMY HE IS NOT DEAD YOU ARE IN DANGER
Nabitawan ko ang ballpen na hawak at napasandal sa aking kinauupuan. This is impossible...
BINABASA MO ANG
Art of Assassination Trilogy (Book2): Vengeance
AdventureAfter two years of hiding, what is X's next act? Will she find the truth? Seek vengeance and make the people who made her life miserable pay for what they did to her Mother and Medrino? With the help of Sef Martin Keynes, can they make them all suff...