XVIII. Twist

3.3K 91 14
                                    

JhasMean: Hindi ko maayos ang spacing dito nung clue, pero nasa gallery naman siya, at ipopost ko rin sa group yung sagot. :) Thanks for waiting. ;)


Chapter 18

Jasmine Sophia Andrews

Nakatitig ako sa salamin habang inaayos ang butones ng damit ko. Mugto ang aking mata at medyo namumula pa rin dahil sa pag-iyak at tila nakikiayon ang kulay ng damit ko sa nararamdaman ko. Itim.


Ngayon ang libing ni Kein. Ilang araw akong hindi nakapunta sa burol niya dahil matapos ang nangyari sa misyon naming ay wala rin ako sa sarili. Hindi ko mapatawad ang sarili ko dahil sa nagawa ko kay Yñigo. Oo, nararapat iyon sa kanya, pero hindi ko maatim isipin na nagawa ko ulit pumatay ng tao.


Pinatong ko ang dalawa kong kamay sa sink at yumuko, bumuntong hininga ako ng pagkalalim at muling humarap sa salamin ngunit nagbago ang repleksyon ko roon, ang kaninang malinis kong damit at paligid ay nasabuyan ng pagkarami raming dumi, umatras ako at nilibot ang aking tingin sa loob ng CR ngunit wala namang dugo roon. Muli akong tumingin sa salamin at bumalik na sa dati ang repleksyon ko, binuksan ko ang gripo at naghilamos. Imahinasyon ko na naman.


Inalalayan ko ni Kuya Craig palabas ng sasakyan at pinulupot ang kaliwang braso niya sa akin habang naglalakad kami papunta sa pwesto kung saan ibuburol si Kein, iilang tao na ang nandoon, karamihan ay iyong mga kaklase namin noong highschool pati na ang mga kaklase namin ngayong college. Dropped na siguro ako sa school, halos dalawang linggo na akong hindi pumapasok.


"Condolence," saad nila sa amin ni Kuya na sinagot lang namin ng tango. Umupo kami sa mga upuan sa harap, nandon din ang iba pang kamag-anak nila Kein sa mother side niya pati si Sam at Tito Creid ay nandon na rin na parehas tahimik sa kanilang kinauupuan, hindi rin nagtagal ay dumating na ang pari at lahat sila ay tumayo upang magdasal, samantalang ako ay nanatiling nakaupo at nakatitig lang sa krus na hawak ng pari.


Are you real? Why are you doing this to me? Are you really our salvation? If you are, then why do you keep on hurting us? Why are you making us suffer?


Naghulog ng bulaklak sila Kuya sa kabaong ni Kein na nasa ilalim na ng lupa, tumigil ako at tinitigan ang kulay puti niyang kabaong bago kinuha ang itim na rosas sa ag ko at hinulog iyon doon.


Umalis na ang iba, tanging ako, si Kuya, Sam at Tito Creid na lang ang natira at hinintay na tuluyan nang matabunan ng lupa ang kabaong ni Kein. Nagpaalam na si Kuya kasama si Sam, kami na lang ni Tito Creid ang naiwan na parehas lamang nakatitig sa kawalan.


"I've avenged you, Son. You'll be in peace." Sabi ni Tito at mapait na tumawa. "I just hope it will change anything."

"It did. Nagkaron ng hustisya sa pagkamatay niya." Lumingon ako kay Tito, nakangisi siya at nakatitig sa puntod ni Kein.

"Nagkaron nga, but you became a killer. My son wouldn't like in and I should've thought of that before I gave you the document about Yñigo." Tumingin sa akin si Tito at agad naman akong umiwas at tumingin na lamang ng diretso sa isang puno na nakapwesto hindi kalayuan sa amin.

"Saan niyo nga po pala nakuha ang impormasyon na iyon?" Tanong ko dahil hindi ko na nagawa pang itanong sa kanya ang tungkol doon dahil sa naging sarado ang isip ko at tanging iniisip ko lang ng panahong iyon ay ang maiganti si Kein.

Art of Assassination Trilogy (Book2): VengeanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon