JhasMean: Late christmas gift. Hahaha! Slow update 'to, guys dahil isasabay ko ang pag-edit ko sa Book 1: Unveil dito at edit din ng BLA3 at update ng BLA5 at ng Invisible. Hahaha! Pero promise ay mag-U-Update ako dito. And ang update nito ay nakabase sa mga binago at babaguhin ko sa Book 1: Unveil - dahil sabi ko nga in-edit ko siya. Ipopost ko din naman yung edited version kaya no worries. Thanks for waiting. Read and Enjoy!!!!!
Chapter 1
X
"Nakuha mo na?" Tanong ko kay Sef sa kabilang linya habang papaalis ako sa bar na pinuntahan ko. May ilang bagay akong tinrabaho dito.
"Oo. Two hundred fifty thousand pesos. Gaya ng pinag-usapan."
"Good. Paalis na ako. Tapos na din ako."
Bago ako tuluyang nakaalis ng bar ay nakarinig pa ako ng komosyon sa isang parte nito.
"Oh my, God! Call an ambulance! He's dead! He's dead!" Sigaw ng isang babae, napangisi ako at palihim na naglakad palabas nito.
Sumakay ako ng aking sasakyan at nagmaneho sa lugar kung saan kami magkikita ni Sef, nang makita ko siya ay agad na sumakay siya sa passenger seat at nilagay sa backseat ang bag na naglalaman ng perang binayad samin para patayin si Louie Gamboa.
Hindi ko alam kung anong ginawa niya, basta ang alam ko lang ay kailangan ko siyang patayin.
Sa loob ng halos dalawang taon ay ganito na ang trabaho ko. Pumapatay ng iba't ibang tao, araw araw ay iba. Araw araw din ay nagkakaron ako ng pera mula dito.
Si Sef ang tumutulong sa'kin sa bawat misyon, siya ang kumukuha ng kliyente at humarap sa mga ito.
"Sapat na ba 'yan?" Tanong niya habang nakatingin kami parehas sa daan.
"Oo. Ngayon kailangan naman natin paghandaan si Sven Montemayor."
"Are you sure about this?" Seryosong tanong niya. Ngumisi ako at tinapakan ang break nang mag-red na ang traffic lights.
"Two years is enough preparation, Sef. And two years is enough for them to ready themselves to die. Now is the time. The right time."
Dalawang taon akong nagtago. Naghanap ng kakampi, ng mga makakatulong sa'kin para pagbayarin ang mga taong pumatay sa Nanay ko at kay Medrino.
Isa isa ko silang hahanapin at tatapusin, hanggang si Marcelo na lang ang nag-iisa. Siya ang ihuhuli ko. Tatapusin at sisirain ko silang lahat.
Wala ng muwang pa ang pagpapatawad sa mundo. Ang pagpapatawad ay negosasyon na nila ng Diyos, at ang trabaho ko ay itakda ang pagkikita nila.
"I'll contact Thanatos, sasabihin kong babalik na tayo ng Pilipinas." Sambit ni Sef, tumango ako at ngumisi.
Let's start this game, Diamonds.
Jasmine Sophia Andrews
Umiiling na pinanood ko si Samantha na nakikipaghalikan sa isang kaklase namin ngayon dito sa classroom. Dalawang taon na ang nakalipas pero may mga bagay talagang hindi nagbabago.
BINABASA MO ANG
Art of Assassination Trilogy (Book2): Vengeance
AdventureAfter two years of hiding, what is X's next act? Will she find the truth? Seek vengeance and make the people who made her life miserable pay for what they did to her Mother and Medrino? With the help of Sef Martin Keynes, can they make them all suff...