JhasMean: Sorry for the long wait. Lame ito. Don’t expect. Hahaha! Ito ang pinakanormal na update na ginawa ko. Lol. Labyu!
Chapter 5
Jasmine Sophia Andrews
'Ate, are you there? Can we talk?' Pang-limang beses ko na 'yang tinitipa sa keyboard ngunit kahit isang responde ay wala akong natatanggap mula kay Ate Mikayla.
Nabigla ako. Nadala ako ng galit, pagod at ng iba't iba pang emosyon kaya nasabi ko kay Kuya ang totoo. Matapos ko iyong sabihin sa kanya ay hindi siya nagsalita, pero bakas ang sakit sa kanyang mata bago siya umalis papunta sa lugar na hindi ko alam. Sinubukan ko ding tawag si Kuya but he's out of reach.
Stupid, Jasmine. Ano ng gagawin mo ngayon?
Muli akong tumingin sa screen ng aking laptop at gaya nang kanina ay wala pa ding sagot mula kay Ate. I stayed all night just yo wait for her reply but the morning came but I still received nothing.
Posible kayang nakita na siya ni Kuya?
Hindi ako pumasok ngayong araw na ito sa eskwelahan. Hindi din umuwi si Kein sa bahay, nakatanggap na lang ako ng mensahe sa kanya na may pinuntahan daw sila ni Vector, hindi ko na sinabi pa sa kanya na hindi ako pumasok ngayon dahil siguradong mag-aalala lang iyon.
Muli akong nagtype sa laptop tapos ay dinampot ang aking cellphone upang tawagan si Kuya, I left a message nang voicemail na naman ang sumagot sa tawag ko tapos ay nahiga sa aking kama. Binalot ko ang aking sarili ng kumot at sinubsob ang mukha sa unan.
I can’t contact Ate Mikayla, I also can’t reach Kuya. Paano na ito? Hindi ko naman pwedeng sabihin kila Beau. Magkakagulo. I know Beau will be happy to know that Ate is alive but I know she’ll get mad because I kept it from her. Sa pag-iisip ko ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako, mabilis ang naging pagbangon ko at tinignan ang aking laptop. Kinailangan ko pang ikabit ang charger nito dahil naubusan na ito ng baterya sa haba ng pagtulog ko, chineck ko din ang aking phone habang hinihintay na mag-restart ang laptop, at nadismaya lang ako dahil wala akong natanggap na mensahe galling kay Kuya. Muli ko siyang sinubukang tawagan, ngunit kagaya kanina ay out of reach pa din ito.
Sobrang nag-aalala na ako. Hindi ko alam kung hinahanap ba niya si Ate, o kung nagkita na ba sila? Paano kung sa sobrang galit ni Kuya ay naaksidente na iyon. Wag naman sana.
Napatalon ako sa pagkabigla nang may kumalabog mula sa baba, mabilis na kinuha ko sa ilalim ng aking kama ang stun gun at nilagay iyon sa tagiliran ko. Maingat na bumaba ako at doon ay naabutan ko si Kuya na nakahiga sa sahig at walang malay. Tumakbo ako palapit sa kanya at naupo sa kanyang tabi. May binubulong ito na hindi ko naman maintindihan dahil buhol buhol na ang mga salita niya.
“I miss you,” muling bulong ni Kuya habang akay-akay ko siya paakyat ng kanyang kwarto. “I’m sorry, I…” hindi na niya natuloy pa ang kanyang sasabihin dahil tuluyan na siyang nakatulog.
Kumuha ako ng malinis na towel at isang basin na naglalaman ng maligamgam na tubig. Nilapag koi yon sa tabi ng kama ni Kuya at pinalitan muna siya ng damit bago punasan ang kanyang katawan.
BINABASA MO ANG
Art of Assassination Trilogy (Book2): Vengeance
AdventureAfter two years of hiding, what is X's next act? Will she find the truth? Seek vengeance and make the people who made her life miserable pay for what they did to her Mother and Medrino? With the help of Sef Martin Keynes, can they make them all suff...