II. Killed

6.5K 147 14
                                    

Chapter 2

Jasmine Sophia Andrews

Nagtungo na ako sa opisina nila Beau at pagdating ko doon ay lahat sila ay nakapwesto na sa mahabang lamesa, nakaupo si Beau sa dulo nito at sa kabilang dulo naman ay nandon si Starr, iyong dalawang kasama nila kanina ay nanatiling nakapwesto sa likod ni Starr.

"About kay k-" pinutol ni Beau ang pagsasalita ko sa pamamagitan ng pagtaas ng kanyang kaliwang kamay.

"We have more important things than that. The other roses can handle it. Nasabihan ko na sila." Anong ibig niyang sabihin? Nag-usap na ba sila bago pa ako makarating dito? Anong sinabi niya? Anong gagawin nila? "I will not kill him, Snow. If he's able to hack my brother's system then he must be good. Now sit." Gusto kong pumrotesta ngunit sa huli ay ginawa ko din ang inuutos niya.

Nagsimula ng magsalita si Starr tungkol kay Sven Montemayor. Noong una ay naguluhan pa ako ngunit ng tumagal ay napagtanto ko din kung bakit namin ito pinag-uusapan.

This is the right time.

"BHO promised to help us. Pinadala na ni Poseidon ang mga kakailanganin natin sa misyon na ito. Every gadgets we need from the enhanced suit they made to the most powerful firearms they have."

Black heart organization is one of Black rose's ally. Nalaman ko lang ito noong isang taon ng tulungan nila kami sa pagkawala ng Ina nila Starr. Parehas lang ng hangarin ang BHO at Black rose, ang kinaibahan lang namin sa kanila ay walang awa naming kayang pumatay, unlike them na hangga't kaya nilang hindi kumitil ng buhay ay gagawin nila, na para sa akin ay mahirap na bagay. To cut someone's life is much easier decision than to spare. It takes courage to spare the life of people you know have done worse things.

Ipinaliwanag ni Starr ang plano. Alas-dose ng hating-gabi kami susugod sa mansyon nila Sven gamit ang suit ng BHO na makakatulong sa aming hindi makita ng kahit sino. Hindi ko maisip kung paano iyon nangyari pero ang paliwanag nila ay kaya nitong umayon sa environment na pinaroroonan mo. It can camouflage - that's the exact word Starr said.

Ako, si Sam, Kuya Craig, Beau, Starr at ang dalawang kasama nila - na nalaman kong Elena at Night ang pangalan - ang pupunta sa misyon na ito. Ang ibang miyembro ay magiging back up at mata namin habang nasa loob kami ng mansyon.

Madami ang bantay sa mansyon ng mga Montemayor. Kung hindi nasa halos seventy o eighty ang mga ito. May dalawang entrance bago makapasok sa lupa nila, ang main entrance ay ang nakikita sa daan sa Tagaytay ang kabila ay mula sa bundok kung saan nandon ang isang malaking balcony papasok sa bahay ni Sven.

Ako at si Starr ang pupwesto sa likod, we'll use a rapel cord to get there, si Kuya Craig at Beau sa harap, patutulugin nila ang apat na guard na nagbabantay sa main entrance ng lupa at magpapalit sa unipormeng suot ng mga ito sa ganon ay magiging madali sa kanila ang makapasok sa mansyon.

"Paano sila?" Tanong ko habang nakatingin sa babaeng nasa likod ni Starr. Wala silang nabanggit tungkol kay Elena at Night. Kasama sila sa misyon pero walang plano para sa kanila.

"They already know what they have to do."

Hindi na ako nagtanong pang muli at nakinig na lang sa mga plano nila. Tinandaan kong mabuti ang mga gagawin ko at ng matapos ang pag-uusap namin ay mabilis na umalis ako ng opisina ni Beau para puntahan si Kein ngunit pagdating ko doon ay wala na siya.

"Where is he?" Tanong ko kay L at D na siyang sinabihan ni Beau na bantayan si Kein.

"Nasa gray kasama si Vector," tumango ako sa kanila at tumakbo papuntang gray.

Ang gray ay ang intelligence department ng Black Rose. Why it's called gray? Vector named it after gray matter - iyon ang bumubuo sa buong utak - saying that calling it intelligence or experimental department would be too simple. Gusto niya na pag-iisipan muna kung bakit iyon ang naging tawag doon.

Art of Assassination Trilogy (Book2): VengeanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon