XIV. Anak

3.3K 109 3
                                    

Chapter 14

Jasmine Sophia Andrews 

 "It's been four hours! Wala ba tayong gagawin?" Hysterical na tanong ko. Iniwan ako ni Starr kanina upang sundan sila Vector, naiwan akong nag-aalala at pilit na gumagawa ng paraan para makausap ko sila, ngunit pinasundo na ako ni Beau kila Kuya para bumalik ng Black Rose pero hindi pa rin namin sila nagagawang kausapin. Mag-aapat na oras na silang nasa mansyon ni Bane at hindi namin alam kung ano na bang nangyayari sa kanila.And thoughts of all the possible things that could happen to them inside that house makes me sick. Starr can fight them, kahit si Vector at Kein ay kayang protektahan ang kanilang sarili, pero bakit ang tagal nila? I've seen how Starr fight, kaya niyang patumbahin ang isang dosenang lalaki ng walang kahirap hirap, pero anong nangyari at apat na oras na hindi pa rin sila nakakaalis sa lugar na iyon?


Dumating si Ate Mikayla kasama si Sef at bakas din ang pag-aalala sa mukha niya. Kaibigan niya si Vector, at kahit puro pagtatalo ang ginagawa nila ni Vector ay sigurado akong mahalaga ito sa kanya. And I've seen how devastated Vector was when we all thought Ate was dead, it's like losing a family member. Pamilya kaming lahat dito.


Masasama kami sa mata ng ibang tao, mga walang pusong mamamatay tao, kung magtratuhan kami sa isa't isa ay tila yelo kami sa lamig ng pakikisama sa isa't isa, but we're family. We are all broken when we meet each other and by that we slowly picked up all the shattered pieces of ourselves, we lost our families but then we found a new one in this organization. Pamilya kami dito. Dahil kung hindi kami pamilya dito ay matagal ng nabuwag ang Black Rose. Ilang miyembro na ba ang namatay para maprotektahan ang organisasyon na ito? I remember E, mas pinili niyang patayin ang sarili niya kesa ang sabihin ang buong katotohanan tungkol sa Black Rose na pwedeng mag-ligtas sa kanya noong nakuha namin siya sa Dark Chevalier.


"Why did you let Vector in that mission, Beau?" Galit na tanong ni Ate Mikayla kay Beau at tumulong na rin sa pagsubok na makakonekta kila Kein.

"Do you think I wanted this to happen? Hindi ko alam na may mga bantay sila Bane, because if I know I wouldn't let my brother and my damn sister there!" Bakas na bakas ang pag-aalala sa boses ni Beau at tuloy tuloy pa rin ang pagtipa sa keyboard na nasa harap niya, halos masira iyon sa bigat at bilis ng kamay niya sa pagta-type, ganon din si Ate Mikayla sa keyboard na hawak niya.

"Jasmine, we can do this ourselves, hanapin mo na lang ang bleprint ng mansyon ni Bane. If in thirty minutes ay hindi pa rin tayo makakonekta sa kanila, susugod na tayo." Utos sa akin ni Ate. Tumango ako at lumipat ng computer, nagtipa ako sa monitorng isang code at ang isang malaking rectangular box na lumabas sa screen ay nilagyan ko ng eksaktong address ng bahay ni Bane, ilang segundo lang ay may lumabas na file doon, pinindot ko ang screen at may lumabas na 3 dimensional view ng mansyon ni Bane, kung saan ang bawat entrance at exit ng bahay, ang bawat air vent at kung ano pang impormasyon sa bahay niya.


Dalawa lang naman ang pinto papasok ng bahay niya, mula sa harap at sa likod nito, naisip kong sa air vent kami pumasok pero ng mabuksan ko ang security information ng bahay nila ay nakita kong ang bawat lalabasan sa vent ay may laser, offensive, ibig sabihin ay kaya nitong masugatan ang isang tao. We can try deactivating it, pero dahil sa siguradong alam na nila Bane na may sumugod sa mansyon niya ay wala ng pag-asa pang mahack namin ang system nila, lalo pa't wala naman dito ang dalawang taong kilala kong may kakayahang gawin iyon at kasalukuyan silang nasa loob mismo ng bahay na iyon.


"Ate..." Dumagundong sa buong kwarto ang boses ni Vector, putol putol ang pagkakabigkas niya, pero alam kong siya iyon.

Art of Assassination Trilogy (Book2): VengeanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon