X. Catching Up

4.1K 103 7
                                    

Chapter 10

X

"Nasa sixth floor ng building ang research laboratory ng Typhon, bago makapunta doon ay kakailanganin ng key card mula sa mga researcher, at ang thumbprint nila and lastly, retinal scanner." Paliwanag ni Jasmine. We've talked about this yesterday, inuulit lang para malinaw ang plano at masigurong walang kahit anong mali sa magiging plano.

Tonight at 7 in the evening, Sef will have a date sa isang researcher ng Carmine Pharmaceutics. Sa loob lang ng tatlong araw ay napagplanuhan naming iyon. He'll date her tapos ay paiinumin niya ito ng pampatulog upang makuha ang identity niya. On the time that she's unconscious, gagawa kami ng peke niyang mukha habang si Vector ay papasukin ang kanilang system at papalitan ang nakalagay na information sa babae na kahit gamitin ang thumb print at retinal scanner ay tatanggapin ang akin.

"Our goal is to get the Typhon drug at ang Antidote nito na Zeus, Vector's in-charge with getting all the file about the drug at alisin iyon sa kanilang system."

Typhon is the drug made by the Carmine Pharmaceutics. Noong panahon na pinasabog nila ang drug na iyon sa lugar nila Paige ay iyon pa lang ang simula ng tests nila. Kung noon ay mauuwi sa cancer kapag na-expose ka dito, ngayon ay kahit isang patak lang nito ang mahalo sa dugo mo ay kaya kang pataying sa loob ng isang araw. Gaya ni Typhon sag reek mythology, it's a monstrous drug. At kapag nagtagumpay sila Alejandra na ipalaganap ito sa buong mundo ay baka ito ang magwakas sa populasyon, kaya naman ay gumawa rin sila ng antidote.

Pharmaceutical companies is not like what other people think of them. Ang akala ng tao ay gumagawa ito ng gamot para sa mga sakit na lumalabas sa mundo, pero hindi, they discover the disease first bago gawin ang antidote. It's a sales technique. Normal naman iyon, pero ang paggawa at ang pag-eksperimento mismo sa tao ay hindi normal na bagay. What they did was not to discover a new disease but rather created a new one - a deadly one.

"I'm on the way to the," salita ni Sef sa kabilang linya. Nasa isang truck kami malapitr sa restaurant kung saan pupunta si Sef, doon namin sila hihintayin. Hindi naman na kailangang gawin ito, but Starr suggest to us to do this. Ang una kasing plano ay gagawa na lang ng bagong identity sa system ng Carmine Pharmaceutics para makapasok ako sa loob ng laboratory. Vector can easily do that, pero mas delikado dahil may makakahalata. It's an obvious move. Kaya sinabi ni Starr na ito na lang ang gawin na sinang-ayunan naming lahat.

"Do you even know how to date?" Tanong ko sa kanya, nasa tabi ko si Jasmine na napangiti sa sinabi ko. She's been quiet since yesterday. Hindi ko naman magawang itanong kung may problema siya dahil alam kong ayaw niya rin na ipaalam sa akin. Because if she wanted to tell her problem to me she would tell it to me herself.

"I know. Damn, let me concentrate." He hissed. Napatawa ako at fi-no-cus ang CCTV camera sa sasakyan niya. Vector hacked the entire CCTV camera in the whole Metro para madali naming makita sila Sef.Lumabas na mula sa building ng condominium ang babaeng ka-date niya.

Aliyah Silvestre. Gum-raduate sa UP sa kursong BS Pharmacy, top 4 sa board exam at simula noon ay kinuha mismo siya ng Carmine Pharmaceutics upang magtrabaho sa kompanya nila. Which is the greatest privilege every Pharmacist would get, dahil ang Carmine ay ang top pharmaceutical company sa Pilipinas at pang-lima sa buong Asia habang kasama naman sila sa top 15 Pharmaceutical companies sa buong mundo. They've discovered hundreds of disease and hundreds of cure for those diseases. But they discovery has gone overboard when they created Typhon.

"She's a beauty. You can have sex with her after we finish this mission," biro ko sa kanya. Lumingon ako sa pwesto nila Starr na inaayos ang mga kakailanganin ko mamaya. Nasa tabi niya si Craig at Sam na inaayos an gang mga baril habang si Night ay tumutulong kay Jasmine na i-set up ang machine na gagawa ng fake face, Elena's sitting beside Night while eating. Ngumisi lang ako sa kanila at binalik ang tingin sa screen.

Art of Assassination Trilogy (Book2): VengeanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon