XX. Believe

3.5K 89 5
                                    

Chapter 20

X


Tinigil ni Matthew ang sasakyan sa tapat ng bahay ko, he pulled the handbreak at nauna nang bumaba sa akin tapos ay pinagbuksan ako ng pinto at kinaladkad papasok ng bahay; nakatali pa rin ang kamay ko sa likod kaya kahit na nahihirapan ay sinabayan ko ang mabilis niyang paglalakad.


"Paano mo nalaman na dito ako nakatira?" Hindi ko napigilan ang sariling magtanong.

"My father's obsess with your safety, he has someone watching you; at lahat ng bahay na nakatayo dito, within 20 mile radius, ay tauhan niya ang nakatira." Sagot niya, diretso pa rin ang tingin sa daan at hindi man lang lumingon sa akin kahit isang beses.

"What the fuck?" Gulat na reaksyon ko sa sinabi niya. "Sino naman ang binayaran niya para bantayan ang bawat kilos ko?" Muli kong tanong na hindi naman niya sinagot.


Nasa tapat na kami ng pinto ng bahay nang sunod sunod siyang kumatok sa pinto, ilang saglit lang ay binuksan ni Jasmine ang pinto na may pagtataka sa mukha, hindi siya pinansin ni Matthew at dumiretso ng pasok sa bahay at kinaladkad ako sa unang lugar na mapuntahan niya. Nakarating kami sa sala at doon ay tinulak niya ako paupo sa sofa.


"Matthew? Paanong magkasama kayo ni Ate?" Agad na tanong ni Jasmine pagkasunod niya sa amin.

"I've no time to answer your question, Jasmine, help me with this first." Mula sa batok ay inalis niya ang suot na itim na t-shirt at doon ko nakita mula sa hubad niyang katawan ang tama ng baril sa kaliwang parte ng tyan niya. Nagmadali si Jasmine na alalayan ito paupo at kinuha ang kit para magamot siya. Dahil sa hindi pa rin niya inaalis ang tali sa kamay ko ay hindi ko siya magawang tulungan. Patuloy namana ng pagdaing niya habang nilalagyan ng pwersa ang sugat sa tyan niya.


Dumating si Jasmine na dala ang isang surgical kit at timba na may lamang tubig para magamot si Matthew, nilapag niya sa lamesa, umalis ako sa aking pwesto para maayos ang pagkakaupo ni Matthew sa sofa, Naglagay ng tatlong unan sa likod ni Matthew si Jasmine para nakaangat ang katawan niya. Nagsuot ng gloves si Jasmine tapos ay kinuha ang mga kakailanganin niya para maalis ang bala sa tyan ni Matthew, habang si Matthew naman ay patuloy pa rin ang paglalagay ng pwersa sa sugat niya.


"You know, we can take you to the hospital..." Kinakabahang saad ni Jasmine.

"Sa tingin mo kung pwede akong pumunta sa ospital ay dito ako dumiretso, just fucking fix this." Sigaw ni Matthew. Sa sitwasyon namin ngayon, malamang ay pinahahanap na kami ni Deenara, kaya hindi kami maaaring pumunta ng ospital.

"Pero hindi ko alam kung anong organ ba ang natamaan sa'yo, baka mama--"

"Just fix this!" Dumaing siya sa sakit dahil sa pagsigaw, naalarma naman si Jasmine at gamit ang isang kamay ay tinulungang lagyan ng pwersa ang sugat, habang ang isa niyang kamay ay ginagamit niya para ilagay ang mga forceps sa tubig sa timba.

"Jasmine, where's Sef?" Umiling siya bilang sagot at napatadyak na lang ako sa lapag sa frustration, tumakbo ako papuntang kusina at naghanap ng magagamit para maalis ang posas sa kamay ko, gamit ang bibig ay kinuha ko ang tinidor at nilapag iyon sa lamesa tapos ay bahagya akong tumalikod sa mesa at kinuha iyon ng kamay, ilang beses kong sinubukang makalas ang posas at sa pang-apat na subok ay nagawa kong alisin ang pagkakalock nito.


Mabilis na kumilos ako at kumuha ng basin at nilagyan iyon ng malamig na tubig na hinaluan ng mainit, tapos ay dinala iyon sa sala kung saan ay pinapabagal pa rin ni Jasmine ang pagdudugo ng sugat ni Matthew, pumunta ako papuntang kwarto at kumuha ng towel at binalikan silang dalawa, lumuhod ako sa tabi ni Matthew tapos ay nagsuot ng gloves at sinabihan si Jasmine na ako na ang bahala dito at ayusin na niya ang pag-disinfect sa mga forceps. Ilang minuto rin akong nanatili sa pwestong iyon nang sabihin ni Jasmine na maayos na ang mga gamit. Pinakagat ko kay Matthew ang towel at sinimulan na ni Jasmine na alisin ang bala sa tyan niya, nagsisigaw sa sakit si Matthew at sa loob ng halos sampung minuto ay naalis ni Jasmine ang dalawang bala sa katawan niya. Inaayos na ni Jasmine ang bandage kay Matthew nang makatulog ito, namumutla ang mukha niya at pawis na pawis.

Art of Assassination Trilogy (Book2): VengeanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon