Nakahabol si UD bago ang training ko. Yay! Hahaha. Thanks for waiting.
This is dedicated to @iamdolein dahil siya ang pang 3K kong follower. Haha, love you! And thank you very much.
Read and enjoyyyy!
----------
Chapter 12
Jasmine Sophia Andrews"What have you done, Xiara?" Galit at pasigaw na tanong ni Beau pagdating ni Ate at Sef. Mabilis na kumalat ang nangyari kay Alejandra, halos iyon ang ipalabas sa telebisyon dahil may lumabas na ebidensya paukol sa mga krimen na ginawa niya at mayroon pang recorded confession na natanggap ang mga pulis.
Hindi na kailangang itanong pa kung sinong nasa likod ng pangyayaring iyon. At hindi ko maintindihan kung bakit nagagalit si Beau ngayon. Hindi naman pinatay ni Ate si Alejandra, hindi gaya ng unang sinabi ni Ate Mikayla na gusto niya itong patayin. She's not hurt. Iyon nga lang ay kasalukuyang nasa ospital ang anak nito.
"Bakit pati ang bata ay dinamay mo pa?" Kumunot ang noo ko. "I know what really happened, Xiara. You kidnapped the kid and drugged her."
Hindi ako kumibo. She did that?
Umiling na lamang ako. Hindi na dapat ako nagtataka pa ngayon. Dalawang taon ang nakalipas, hindi ko na alam ngayon kung ang tao bang kaharap ko ngayon ay siya pa ring taong nakilala ko noon. Maraming nagbago. Marahil ang dating kilala kong si Ate Mikayla na hindi kailan man magagawang mandamay ng inosenteng tao ay kaya ng gawin iyon ngayon. Maybe they are just collateral damage to her. A little sacrifice.
"I took a risk, Beau. I needed to kidnap the kid for leverage." Paliwanang ni Ate. Nakatitig lang sakanya si Beau, halos hindi ito kumurap sa sobrang talim ng pagkakatitig niya.
"Bakit kailangan mo pang turukan ng typhon ang bata?"
"Gumawa ako ng antidote para sa Typhon at binigay na iyon sa bata bago ko pa iturok sa kanya ang lason na iyon. Kailangan ni Alejandra ang pakiramdam ng mawalan. That's a taste of her own medicine. And if my antidote won't work, I'll kill myself." Diretsong sagot niya. Seryoso at pinal ang pagkakasabi niya. I know she will do it. Alam din iyon ni Beau kaya naman hindi lumampas sa paningin ang saglit na pagdaan ng pangamba sa mata niya.Pinaalis kami ni Beau at tanging si Ate Mikayla lang ang naiwan sa opisina niya. Kasabay ko si Sef na naglalakad sa tahimik na pasilyo ng Black Rose. May iilang agents na nasa.paligid ngunit marahil ay nasa core ang mga iyon.
Ang core ay ang lugar sa gitna ng buong headquarters ng Black Rose kung saan pwedeng mag-training o magpahinga ang bawat agents. It was Starr's idea, pinagawa niya iyon noong nakaraang taon dahil dumami ang recruit ng Black Rose.
Nakarating kami sa core at naupo sa isang bench sa may sahig at pinanood ang dalawang agent na naglalaban sa mat.
"You also do that?" Kaswal na tanong ni Sef sa akin.
"Minsan. Hindi ko naman kasi kailangan. Kadalasan kasi nasa intelligence ako. I don't really take the field." Neutral na sagot ko, ang atensyon ko ay nakatutok pa rin sa dalawang naglalaban. Ilang beses ng natumba iyong bagong recruit na may kulay blue na band sa braso niya ngunit hindi pa rin siya sumusuko. Bawal mag-concede, patakaran na si Starr mismo ang nagsabi. Dahil kapag sumuko ka ay parurusahan ka.
"Ah, gaya sa DC." Nilingon ko siya at sa saglit na tinignan ko siya ay tatlong beses na niyang tinitignan ang relo sa kaliwang kamay niya.
"You're in a hurry..." Tumaas ang kanang sulok ng labi niya at umiling.
"Hindi ba parang ang tagal ni Xiara doon?" Bakas ang pag-aalala sa tono ng pananalita niya.
"Ate will be fine. Beau will get mad at her but she will never hurt Ate." Sagot ko sa kanya. Tuluyan ko ng itinuon ang pansin sa kanya na nakatitig pa rin sa naglalaban sa mat. Wala pa rin kasing sumusuko sa dalawang naglalaban, at ang kaninang akala ko ay talo na ay siya ng nangunguna ngayon. "At wala ka bang tiwala na kaya naman ni Ate ang sarili niya kung sakaling may gawin sa kanya si Beau?"
Bumaling siya sa akin at ngumiti. "Meron. Ayoko lang ng hindi siya nakikita. Hindi ako komportable."
"Kayo ba ni Ate?" Diretsong tanong ko.
Muli siyang ngumisi at umiling sa akin, "Xiara is still madly in love with Craig, do you know?" Tumaas ang sulok ng labi ko at umiling sa kanya.
"Then I'll change my question, are you in love with Ate Mikayla?" Mabilis siyang umiling at tumawa.
"No, I don't-" natigil ang pagsasalita niya at yumuko. "I'm that obvious, huh?"
Umiling ako. "If they're not too pre-occupied with their revenge, they would probably notice it. Pero masyado silang focused, so your one sided love's safe."
"Eh, ikaw?" Tanong niya muli sa akin.
"I do want to have my revenge. Pero ano bang ipaghihiganti ko? I don't know anything about the person who killed my parents. At kung itutulad ko ang sarili ko kila Beau, lalamunin lang ako ng galit at kapag tumagal, baka mas lalo lang akong masira nito." Mahabang pagpapaliwanag ko. Tinaas ko ang mga paa ko sa bench at pinagdikit ang aking tuhod, I wrapped my arms around my knees and hugged it, ang baba ko naman ay pinatong ko dito upang mas maging komportable ako sa pagkakaupo.
"Sino ba ang pumatay sa magulang mo?"
"All I know is they are called Fire."
BINABASA MO ANG
Art of Assassination Trilogy (Book2): Vengeance
AventuraAfter two years of hiding, what is X's next act? Will she find the truth? Seek vengeance and make the people who made her life miserable pay for what they did to her Mother and Medrino? With the help of Sef Martin Keynes, can they make them all suff...