XI. Pay

3.6K 100 3
                                    

Chapter 11

X

"Are you sure about this?" Muling tanong ni Sef habang nasa laboratory kami ng bagong bahay na tinutuluyan naming. Beau gave this to me, may sariling system ang buong bahay, I have my own access to all the CCTV in Metro, and this. I have my own laboratory - na nirequest ko sa kanya dahil sa may kailangan akong pag-aralan.

Isang linggo na ng matapos ang misyon naming kay Alejandra, sumabog sa buong bansa ang balita tungkol sa ginagawa niya sa kanyang kompanya. Kinasuhan siya - a non-bailable case as a matter of fact. But the woman has connections, nakaligtas siya, but in return of that injustice, nawala ang pinakamamahal niyang anak. I called her last week at sinabihan siyang itikom ang kanyang bibig tungkol dito, dahil isang pitik lang ay kaya kong tanggalan ng hininga ang anak niya. She's been asking for what I want pero hindi ko ito sinasagot, may tinatrabaho pa ako.

Kumuha ako ng isang patak ng ginawa kong drug sa isang petri dish. Nakita mula sa screen ang kulay berde'ng tubig na nilagay ko, sumilip ako sa microscope at may nakita akong bitak bitak na cell, sinabihan ko si Sef na salinan ng Typhon ang petri dish na ginawa naman niya, mabilis ang naging reaksyon ng ginawa kong drug at binalot nito ang kulay pulang likido - iyong Typhon - at unting nawala ang mga pulang kulay at tuluyan nang nasakop ng kulay berde.

Ngumisi ako at sinalin sa syringe ang drug na ginawa ko. I hope this works.

Lumapit ako sa anak ni Alejandra na mahimbing na natutulog at tinurok sa kanya ang gamot na ginawa ko. Hinaplos ko ang buhok niya nang gumalaw siya tapos ay mahinang tinapik ito upang makatulog ulit siya.

"Sef, arrange my meeting with Alejandra." Saad ko habang pinagmamasdan pa rin ang bata.
"Sige. But, Xiara, are you really going to do this?" He's having second thoughts. For a week kinakausap ako ni Sef tungkol dito at pilit akong pinapatigil sa plano ko. Pero wala ng makapagbabago.
"No. I'm really sorry for this child. Pero kailangan." Tumayo ako at humarap kay Sef.

"This will work." Sigurado kong saad. "What if it won't?" Nag-iwas ako ng tingin. "Then I'll kill myself."

Nasa isang restaurant ako ngayon. Ako lang ang nag-iisang tao sa loob nito habang hinihintay si Alejandra. Sef is with Alejandra's daughter, nasa loob sila ng sasakyang nakapwesto hindi kalayuan sa lugar namin. Nakakonekta rin si Sef sa akin at maririnig niya ang bawat pag-uusapan naming ni Alejandra, sa paraan ding iyon ay magagawa ko siyang sabihin kung kalian sila pwedeng pumunta rito ni Alexis - Alejandra's daughter.

Narinig ko ang pagtunog ng bell sa pinto nitong restaurant, hindi ko na kinailangan pang tignan kung sino ang dumating para malaman na si Alejandra iyon, siya lang naman ang maaaring pumasok dito. Sef made sure that the place I'll meet Alejandra is secluded. Sa isang tagong baryo ito sa Batangas at ang restaurant na ito ay matagal nang nakasarado. Sef probably paid the owner big kaya hinayaan niya kaming gamitin ito ngayong araw.

"Where is my daughter?" Bungad niya sa akin, ngumisi ako at minwestra ang upuan sa harap ko.

"No need to rush, Alejandra. Let's talk," matalim kong saad, umupo siya sa harap ko at nilapag ang isang attaché case sa lamesa. "Para saan 'yan?"

Binuksan niya iyon at nasa loob niyon ay pera na nasisiguro kong lampas isang milyon. Maybe ten. "Money. 'Yan naman ang kailangan mo, 'di ba?"

Tumawa ako. "I'm so sorry for not making myself clear. I don't need your money, Alejandra."

"Eh, ano? Nasa'yo na ang Typhon! Ano pa bang posibleng gusto mo pa?" Kinuha ko ang bag ko at nilabas doon ang isang litrato, inabot ko iyon kay Alejandra. "Remember that kid?"

Art of Assassination Trilogy (Book2): VengeanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon