Chapter 9
Jasmine Sophia Andrews
"Hi, Matthew!" Bati ko sa kanya at umupo sa katapat niyang upuan.
Nasa cafeteria kami ng Chevalier at desidido ako ngayong makahanap ng pruweba sa hula ko. Alam kong isang malaking kahibangan ang iniisip ko pero hindi ko maaalis sa isip ko ang katotohanang baka nga magkapatid sila. It's not just a hunch I'm feeling, it's intuition. Alam kong tama ako, kailangan ko lang ng patunay pa.
"You're in good mood, huh? Last time I talked to you, you snobbed me." Tumawa ito at sumubo ng kinakain niyang carbonara. Nagkibit ako sa kanya at kumain na din. Hindi ko alam kung paano ako magsisimula.
Para akong sumugod sa isang gyera na walang dalang kahit anong baril man lang. Hindi ko masyadong pinag-isipan. Hindi ko naman pwedeng itanong sa kanya kung may kapatid ba siya dahil sa alam naman naming lahat na wala.
"Hindi ata madalas na pumupunta dito si Boss," komento ko habang umiinom ng tubig
"Yeah, may inasikaso siya sa Amsterdam." Tumango ako. Amsterdam? Saan ko nga ba narinig iyon?
"Ano?" Inosenteng tanong ko. Yumuko ako ngunit pasimpleng tinignan siya na normal lang na kumakain.
"Something about diamonds..." napatuwid ako ng pagkakaupo at gulat na tinignan siya ngnit nanatili ang atensyon niya sa kinakain at parang wala lang ang sinabi. "May auction kasi ng diamonds doon, pumunta siya para mag-bid sa matagl na niyang hinahanap na klase ng diyamante."
Hindi na ako muling nagsalita pa at pinagpatuloy na lang ang aking kinakain. Kung tama ang iniisip ko na si Matthew ang isa isang pumapatay sa bawat miyembro ng Diamonds at magkapatid sila ni Ate Mikayla... alam niya kaya na mismo ang ama niya ay kasali dito? Alam niya ba'ng may kapatid siya?
At ang isa pang gumugulo sa isip ko ay ang Amsterdam. Sigurado akong hindi lang si Matthew ang nagbanggit sa akin tungkol sa bansang iyon. Someone already mentioned that to me.
Mariing pumikit ako at pilit na inalala ang mga nangyari sa akin sa mga nakalipas na araw. Mula kahapon hanggang sa mamatay si Sven Montemayor. Parang litratong mabilis na nag-flash sa utak ko ang mga memoryang iyon at isang particular na pangyayari ang nakapukaw ng atensyon ko. Ang naging usapan naming ni Rochelle. Nasabi niya sa akin na si Elena at Night ay nanatili sa Amsterdam noon para sa isang misyon na binigay ni Beatrice. Ano bang meron sa bansang iyon?
"Naimbestigahan niyo na ba ang koneksyon nila Sven at Divina?" Biglang tanong ni Matthew kaya naman ay nawala ang mga katanungang gumugulo sa isip ko at bumaling sa kanya.
"Hindi pa," sagot ko, kahit na alam ko namang meron. "Bakit, sa tingin mob a ay meron?"
Nagkibit siya. "Siguro. They had the same sign written on their body. Fourteen. It's something, right?"
Tumango ako. "Hindi pa naman naming napag-uusapan 'yon ni Eron. Wala siya kanina."
"It's because today's the seventeenth of the month," sumandal siya sa upuan niya , tinitigan niya ako, ang isang sulok ng labi niya ay nakaangat at ang mata niya ay mapaglaro ang mga titig. "What? Sa tinagal niyong magkasama ni Eron ay hindi mo napapansin iyon?"
"Ang ano?" Kunot noong tanong ko sa kanya.
"That every seventeenth of the month, he's not here." Hindi ko naman iyon napapansin. Minsan lang hindi pumasok si Eron sa trabaho kaya hindi ko na iyon napupuna pa, kahit na may isang araw kaming pahinga mula sa Dark Chevalier ay ang alam ko pumapasok pa din siya, at ang malaman na absent siya ay hindi kahina-hinala. A man needs to take a break.
BINABASA MO ANG
Art of Assassination Trilogy (Book2): Vengeance
ПриключенияAfter two years of hiding, what is X's next act? Will she find the truth? Seek vengeance and make the people who made her life miserable pay for what they did to her Mother and Medrino? With the help of Sef Martin Keynes, can they make them all suff...