JhasMean: Guys, posted na po ang edited version ng Unveil, mula po sa prologue hanggang chapter 2. Ang laki po talaga ng naiba sa kanya. Haha! Pasensya kung maikli. I was trying to make this chapter 5K words, pero piga na si brain. Walang inspiration. Hahaha! Special Thanks to DVCIO for accompanying me while writing this. Echos! Ang gwapo ni Andres Ceballos. Search niyo. Hahahaha! Haba na ng message ko. Read and enjoyyy. :)
Chapter 8
X
"Pwede'ng magdahan-dahan," bulong na hinaing niya ngunit parang hangin lang na dumaan ang salita niya sa tenga ko. Alam ko ang ginagawa kong paggamot sa mga natamo niyang sugat ngunit ang utak ko ay okupado ng nangyari kanina.
Kahit na sugatan ay nagawa akong hatakin ni Sef - na kanina'y pakilala niya sa akin - papasok sa sasakyan niya na iniwan niya di kalayuan sa mansyon ni Medrino.
Tinapalan ko ng gasa ang sugat niya at lumayo sa kanya. Naupo ako sa single sofa malapit sa malaking salamin ng hotel room na tinutuluyan namin. Gamit ang pekeng ID at credit card ni Sef ay nagawa naming makapag-check in dito. Hindi ko na tinanong pa ang tungkol doon basta ang alam ko, lahat ng binigay niya kanina ay peke. Pangalan, ID, credit card.
Mariing pumikit ako at inalala ang nangyari. Ang nalaman kong impormasyon. Ang pagsabog na siyang pumatay kay Medrino at ang nalaman kong pagpatay ng sarili kong Ama kay Mommy.
Kinuyom ko ang aking palad. At parang isang talon na bumalik sa alaala ko ang nag-iisang memorya sa akin ni Daddy. Matagal ko ng pilit na inalis iyon sa aking isipan dahil sa sinabi sa akin ni Tita Beatrice - na si Daddy ang may dahilan ng pagkamatay ni Mommy. May kung anong bagay ang nagpabigat sa dibdib ko na siyang naging dahilan sa hirap kong paghinga.
Pinatay ni Marcelo ang Ina ko at ngayon ay pinatay niya din si Medrino. Gustung gusto ko siyang sugurin ngayon at gantihan sa lahat ng ginawa niya ngunit alam kong hindi pa ngayon ang tamang panahon para doon. Rumaragasa ang galit sa dibdib ko at wala akong ibang paraan para matigil ito kundi ang maghiganti ngunit kailangan kong pigilan ang sarili dahil alam kong hindi ko kakayaning mag-isa na labanan si Marcelo. Hindi naman lingid sa kaalaman ko na malaking grupo ang Diamonds. Minsan kong nabasa ang tungkol sa kanila sa Black Rose, matagal ng pending case iyon sa amin, hindi dahil sa walang may gustong tanggapin iyon kundi dahil sa sila Beau din mismo ay alam na hindi naman sila kayang labanan.
Tumayo ako at nilappitan ang telepono sa tabi ng kama na hinihigaan ni Sef, pinindot ko ang numero ni Craig ngunit hindi niya iyon sinasagot. Bigla akong nag-alala. Nakaalis na kaya siya bago ang pagsabog? Ligtas kaya siya?
"Anong ginagawa mo?" Tanong ni Sef. Ngunit hindi ko siya pinansin at muling sinubukang tawagan si Craig. "Sinong tinatawagan mo?" Inagaw niya ang telepono sa akin na kinagalit ko.
"Tinatawagan ko si Craig. Gusto kong siguruhing maayos siya. Akin na 'yan!" Inagaw ko ang telepono sa kanya ngunit pilit niya iyong nilayo sa akin, nang hindi ko pa din tigilan ang pag-abot ko dito kaya bigla niya itong hinagis na kinasira ng telepono. "Ano ba!?" Dinampot ko ang wasak ng telepono sa lapag at pilit na pinagana iyon, sobrang sira na ito kaya kahit ano pang gawin ko ay hindi ko na ito mapapagana pa lalo na'ng wala akong sapat na gamit.
"Ano bang problema mo?"
"Hindi ka ba nag-iisip? Nagtatrabaho si Craig sa Dark Chevalier, and as far as I remember, it was Dark Chevalier's boss who killed Medrino. Paano kung kasabwat niya ito?" Inis na sumbat niya. Nag-init ang ulo ko sa sinabi niya. Wala siyang karapatang sabihin sa akin na hindi ko pwedeng pagkatiwalaan si Craig dahil kung tutuusin ay mas nakakapanghinala pa siya dahil posibleng sinadya nila ni Marcelo ang lahat ng ito. Na ginawa nila ang malaking palabas na ito.
BINABASA MO ANG
Art of Assassination Trilogy (Book2): Vengeance
AdventureAfter two years of hiding, what is X's next act? Will she find the truth? Seek vengeance and make the people who made her life miserable pay for what they did to her Mother and Medrino? With the help of Sef Martin Keynes, can they make them all suff...