Chapter 6
Jasmine Sophia Andrews
"Jasmine," tawag ng pansin sa akin ni Starr, nawala ako sa pagkakatitig sa kawalan at tinignan silang nandito ngayon sa mahabang lamesa at may binabasang isang folder. Tipid na ngumiti lang ako dito at tinanggap ko ang kulay itim na folder na inabot niya sa akin. Saglit na dumako ang tingin k okay Kuya at Sam na magkatabi ulit.
Ngayon ko lang napansin. Dalawang buwan ang nakalipas ay napansin kong palagi silang magkatabi tuwing may meeting kami, hindi koi yon pinuna, ang akala ko ay normal na bagay lang gaya ng si Starr ang palagi kong katabi. Pero nagkamali pala ako. Ang inakala kong normal dati, hindi pala.
Binasa ko ang file ni Divina Montelegre. Isang may-ari ng isang jewelry store sa Pilipinas, she have more than a hundred boutiques here in the Philippines na nagbebenta ng Swarovski crystals at isang rare blue diamond na matagal na nanggaling pa sa Africa. It was said to be one of King Louis the sixteenth's collection sa France. At ang isang pinakasikat na gawa ng blue diamond na ito ay ang mismong singsing na binigay niya sa kasal nila ng asawa niyang si Marie Antoinette noong late 1700's. The diamond was passed through generation's hanggang sa matapos ang pamumuno ng pamilya nila, hanggang sa ibenta ito sa mga auctions.
It was actually a legal job, ang pagbebenta niya nito, ngunit naging illegal ito dahil sa nasangkot na ito sa human trafficking, pinagtatrabaho niya ang isang tao na wala ang mga kailangang papeles. Abusing their power as the employer na kunwari ay magbibigay ng isang disenteng trabaho, iyon pala ay illegal din ito, at mas lalong naging illegal iyon dahil ang paghahanap ng mga dyamanteng iyon sa Africa ay matagal ng pinagbabawal dahil sa madaming lugar ang nasisira, it was rare kaya ay mahirap talaga iyong mahanap and they were doing illegal mining sa mga lugar na hindi na dapat para lang makahanap pa nito. Killing many people dahil ang mga lugar na pinagkukuhaan nito ay masyadong delikado at ang iba pa ay naglalabas ng isang klase ng poisonous gas na kayang pumatay ng isang tao sa isang iglap. But all that deaths was never reported. Not even once dahil sa may kapit din si Divina sa gobyerno, lalo na't ang isa pang miyembro ng DIAMONDS na si Norman Abueva ay isang senador kaya hindi naisasapubliko ang ginagawa niyang pagpapatrabaho sa mga Pilipino sa Africa.
"She'll be having an auction sa Makati three days from now." Ayon kay Starr.
"We'll kill her that same day? Hindi ba iyon delikado? At isa pa, madaming inosenteng tao ang pupunta doon. Many actors and businessmen will go to that auction, madadamay sila." Saad ko. Tumawa si Elena na nakatayo sa tabi ni Beau.
"What's the problem with that? Edi madaming mamamatay. Lots of blood will be poured, drip from their body. And it will be... a beautiful sight. Dead people swimming in their own blood." Nawala ang maamong ngiti sa labi nito at napalitan ng ngisi. Ang balahibo sa batok ko ay nagsitayuan sa takot, ang boses ni Night ay nagbibigay lamig sa aking pakiramdam, pero hindi takot. Ngunit ang makita si Elena ngayon, napuno ako ng takot sa buong katawan. Ang buong sistema ko ay nakadama ng pagkaalarma.
"Elena," tawag ni Night sa atensyon niya, bumalik sa dati ang ekspresyon sa mukha ni Elena, ang kaninang nakakatakot niyang pag-ngisi ay napalitan ng matamis at napakaamo niyang ngiti, parang maskara itong ipinatong sa mukha niya.
"Totoo naman, 'di ba, Night? You like it too." Malambing niyang saad dito. Hindi kumibo si Night at tinitigan lamang ang babae bago tumango.
"No, we won't kill her on the auction, we can't afford to kill innocent people. After ang auction ay tradisyon na nila ang magkaron ng after party sa mansion mismo ni Divina. Doon natin isasagawa ang misyon," paliwanag ni Beau at doon na din niya sinimulang ipaliwanag ang iba pang detalye sa aming misyon.
Natapos ang meeting namin, si Kuya at Sam ay sabay na nawala sa paningin ko, but this time I won't look for them. Dumiretso ako sa shooting range, naabutan ko doon si Rochelle - ngayon ay hindi ko na sila tinatawag pa sa pangalangang binigay sa kanila, I always call them to their real name, para kahit papano ay hindi nila makalimutan ang totoong sila. Isa iyon sa mga bagay na natutunan k okay Ate Mikayla, minsan niya lang akong tinawag na Snow, kahit si Sam ay hindi niya tinawag na Glacee, noong una ay hindi koi yon napapansin ngunit habang tumatagal ay hindi ko maiwasang punahin, I didn't ask her why, nalaman ko na lang. Dahil sa tuwing tinatawag ako sa tunay kong panglan, it felt different, like I'm alive. Tuwing kasing tinatawag akong Snow, wala akong maramdaman, may isang malaking butas sa pagkatao ko ang nabubuo sa tuwing naririnig ko iyon.
BINABASA MO ANG
Art of Assassination Trilogy (Book2): Vengeance
AventuraAfter two years of hiding, what is X's next act? Will she find the truth? Seek vengeance and make the people who made her life miserable pay for what they did to her Mother and Medrino? With the help of Sef Martin Keynes, can they make them all suff...