Epilogue: The birth of a Psychopath

5.3K 109 7
                                    

Thank you for making it here. See you in book 3. Love you all! :)

♣♣♣

"Medrino!" tawag ng batang si Marcello sa kapatid niya, lumingon ito sa kanya na may dugo sa kanang pisngi at tumayo dahilan para makita ni Marcello ang dalawang patay na aso sa lupa, sa tabi ng mga aso ay isang kutsilyo na punong puno ng dugo.

"Ang ingay nila, Kuya, eh..." Inosente at takot na takot na paliwanag ni Medrino sa pinakamamahal niyang kapatid. Nilapitan ni Marcello ang kapatid at binigyan ng maamong ngiti.

"Naiintidihan ko. Pumasok ka na sa bahay at magpalit ng damit bago ka pa maabutan nila Mama ng ganyan, ako nang bahala dito.


Nang tumakbo na pabalik ng bahay si Medrino ay kinuha ni Marcello ang isang maliit na panghukay ng lupa at nagsimulang humukay ng mapaglilibingan ng asong pinatay ng kanyang kapatid. Hindi ito ang unang beses na nangyari iyon; isang taon na ang nakalipas nang umiiyak na pinuntahan ni Medrino noon si Marcello sa kanyang kwarto at sinabi nitong napatay niya ang alaga niyang pusa at simula noon ay iilang aso at pusa ang inililibing ni Marcello.


Matapos na ilibing ni Marcello ang patay na hayop ay pumunta na siya sa kanilang bahay kung saan naabutan niya ang kapatid na bagong bihis na at abala sa pag-guhit sa maliit na lamesa sa kanilang sala.


"Medrino," tawag niya sa kapatid, nakangiting lumingon ito sa kanya ma bigla ring nawala nang makita ang seryosong mukha ng kanyang kapatid. Lumapit si Marcello at umupo sa kanyang tabi. "Hindi ba ay sinabi ko na sa'yong hindi mo na iyon pwede pang gawin?"
"Kuya, maingay sila. Tahol sila ng tahol. Nakakabingi. Inaabala nila ang paglalaro ko." Inosenteng paliwanag nito at tinuloy ang ginagawang pagguhit.
"Dapat tinawag mo ako para naitaboy ko sila. Masama 'yung ginawa mo. Masamang nanakit ng hayop o ng kahit ano." Patuloy na pagpapauntindi ni Marcello sa kapatid.
"Masamang manakit? Eh, bakit may ibang nanakit? Noong isang araw ay tinulak ako ng kaklase ko, nasaktan ako. Bakit ayos lang na masaktan tayo, bakit hindi pwede na manakit tayo? Hindi patas." Hindi nakasagot si Marcello at sakto naman na dumating ang kanilang magulang.


"Hi," bati ng isang babae kay Medrino. Bagong estudyante si Medrino sa eskwelahan na iyon dahil sa kalilipat lang nila ng Maynila; tumingala si Medrino sa babaeng naka-pigtails ang buhok na maamong nakangiti sa kanya. "Ako si Margarette, Medrino ang pangalan mo, 'di ba?"


Naglahad ito ng kamay na saglit na tinitigan lang ni Medrino tapos ay binalik ang atensyon sa librong binabasa niya.


"Ano 'yang binabasa mo?" Tanong ni Margarette sa kanya at umupo pa ito sa katabing upuan niya.

"Hindi mo ba nababasa?" Simpleng balik na tanong ni Medrino; naiinis na ito dahil sa pagiging madaldal ng babae.

"Gusto ko lang naman na sagutin mo ako." Masiglang paliwanag nito na hindi maintindihan ni Medrino kung bakit ang saya saya niya. "Sherlock Holmes... maganda raw 'yan."

"Kaya ko nga binabasa." Sarkastikong sagot niya.

"Gusto mong maging detective? Matututo ka raw makalutas ng kaso sa mga ganyang libro, eh." Hindi sinagot ni Medrino ang tanong ng babae at nanahimik na lang.


Sa isip niya ay mali ang sinabi nito, hindi tinuturo ng mga gano'ng klaseng libro kung paano malutas ang isang kaso, tinuturuan tayo nito kung paano pumatay ng tao sa iba't ibang paraan na hindi tayo mahuhuli. Isang libro na naglalaman ng mga dapat tandaan kapag gagawa ka ng isang krimen.

Art of Assassination Trilogy (Book2): VengeanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon