Kabanata 10

2K 115 46
                                    

Surprise

"It's okay, anak. You don't have to make promises if you can't keep them." Ramdam ko ang pagkadismaya sa boses ni Mama kaya nalungkot na lang ako.

"Nagtatampo ka pa rin, Ma, eh," nakanguso kong sagot kahit alam kong hindi naman niya ako nakikita ngayon.

Hearing her laughter from the other line instantly lifted my spirits up. "Obvious ba, 'nak?"

I took a deep breath first before responding. "Ipinapangako kong makakauwi na po talaga ako sa atin sa darating na Sabado, Ma."

Narinig ko naman pagkatapos ang pagbuntong-hininga ni Mama. "I know that senior high is tough for you, anak, lalo na't mag-isa ka lang diyan at wala kang kasamang kahit isa sa amin. Pero masaya ako dahil alam kong nakaka-adjust ka na rin diyan kahit papaano. And just focus on your studies. Don't worry about us too much."

My vision suddenly started to blur. Lumalalim na rin ang paghinga ko na labis kong ikinainis. Hindi naman ako madaling umiyak pero nagiging emosyonal talaga ako sa mga ganitong usapan. "Thank you, Ma. And sorry ulit," I said in a low voice. Baka kasi tuksuhin pa ako ni Mama kapag marinig niyang mabasag ang boses ko.

"Wala kang dapat ihingi ng tawad, 'nak. Masaya pa nga ako sa naging desisyon mo. And always remember that no matter what the outcome is, we're still proud of you! Kawalan na ng editorial board ng university mo kung hindi ka nila tatanggapin."

Napangiti ako ng hilaw dahil sa sinabi ni Mama. Dismayado ako sa sarili ko dahil kailangan kong magsinungaling sa kanya. But how could I even tell her the truth?

I made a painful grimace because of the guilt overwhelming me. "Sorry talaga Ma."

Nailayo ko ang cellphone ko mula sa tainga ko nang biglang lumakas ang boses ng aking ina. "Cheer up, our baby Regan! You still have a long day ahead of you so don't be worried too much. Fighting lang, 'nak! We love you!"

What I heard was enough to completely change my mood. "Love you, Ma!" nakangiti kong sagot.

Naunang pumasok si Shell ngayong umaga dahil may gagawin pa raw sila ng grupo niya sa research kaya wala akong kasama ngayon papunta sa university. Pero kahit gano'n ay hindi na ako nalungkot dahil tumatak talaga sa akin ang sinabi sa akin ni Mama kanina lang.

I skipped while I walked until I finally entered the giant gates of Metro University. I thought nothing can hamper with my good disposition this Monday morning until a motorcycle stopped near me. Nakasuot ng helmet ang nagmamaneho no'n para kahit natatakpan ang mukha ng driver ay nakilala ko na agad siya.

"Good morning, my PA," bati niya sa akin bago niya pinaandar ang motorsiklo at iniwan akong umuubo dahil sa usok na binuga ng sasakyan niya. Halos maluha na ako dahil sa baho ng amoy no'n.

Panira ka talaga ng umaga, Treyton!

Binilisan ko na lang pagkatapos ang paglalakad papunta sa classroom namin. Bakit ba kasi pumasok pa ang lalaking 'yon? He already missed more than a month of classes! Kung tama ang pagkakaalala ko ay hindi nga rin siya nakakuha ng exams noong nakaraang linggo. Tinuloy niya lang sana ang pag-absent! Nahiya pa siya!

But a thought crossed my mind. May posibilidad bang pumasok na siya para magawa niyang inisin ako?

"Did you woke up on the wrong side of the bed, today?" bungad na tanong sa akin ni Fiona pagkapasok ko sa classroom namin. She must have noticed the frown that was evident on my face. Asar na asar pa rin kasi ako kay Treyton. Akala ko talaga makakaligtas na ako sa kanya kapag may klase dahil alam kong hindi naman siya pumapasok.

"Parang gano'n na nga," sagot ko na lang kay Fiona. Clay appeared on my side after that to greet me a good morning.

"Tapos mo na ba 'yong pinapagawang poem sa Earth and Life Science?" the latter asked expectantly. Matamlay lang akong tumango sa kanya dahil alam ko na kung saan patungo 'to.

Drawn to His FlameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon