Kabanata 36

1.6K 118 15
                                    

Unneeded

My eyes and ears were on our instructor the entire time he oriented us. Habang nakikinig ako ay nape-pressure na lang ako sa mga dapat kong gawin at alalahanin. A part of me already wanted to back out this early. Ayaw ko lang magmukhang kawawa kanina sa harap nila Almira kaya nasabi kong gusto kong subukang mag-jet ski.

But now, I don't care if they perceive me as a coward and a loser. Mas mahal ko ang buhay ko.

"Is it your first time?" tanong sa akin ni Almira na katabi ko ngayon. Her question made me pout a bit. Masyado bang halata?

"Don't worry too much, Reg. You'll get the hang of it," Almira said, as if she just read my mind. Tumango lang ako at nahagip naman ng paningin ko si Treyton. His head was angled at my direction so I returned my gaze upfront.

"Makinig ka sa kanya, babe. Wala ka naman talagang dapat ipag-alala." Pinanlisikan ko ng mata si Hiro dahil hindi pa rin siya tumitigil sa pagtawag sa akin ng gano'n. He only wiggled his brows at me before he handed me my own life jacket.

After this, I'd surely end our dating deal. Parang wala naman kasi talagang kwenta 'yon.

When we approached our jet skis, I was bothered when I saw only three. Sumakay na sina Almira at Treyton sa naunang dalawa kaya isa na lang ang natitira. Naguguluhan akong napatingin kay Hiro pero ngumisi lang siya sa akin. What he said a while ago suddenly made sense.

"I told you not to worry, right?" pagpapa-alala niya sa akin. Kahit gano'n ay hindi pa rin ako nakampante. Malay ko ba kung may pinaplano na naman siya.

"Angkas na," utos niya na agad ko ring sinunod. I easily found a good sitting position but the nervousness won't just fade. "Ang tahimik mo ngayon, ah. Natatakot ka ba talaga, Reg?" usisa ni Hiro sa mapaglarong boses.

Hinampas ko siya sa balikat bago ko siya sinagot. "Just shut up and drive slowly." He laughed at me after he turned on our jet ski. We were followed by our guides but that didn't help at all to reduce my rising panic when we went farther offshore.

Kalmado ang dagat hindi kagaya ng puso ko na parang lalabas na sa hawla nito. We were only cruising right now. Paano na lang kaya kung bibilisan na ni Hiro?

My insides were turning to jelly when we began hopping on the waves. Wala na akong pakialam kung nahihigpitan na si Hiro sa pagkakayakap ko sa baywang niya. Pumikit na lang din ako kasi nababasa na rin ng tubig ang aking mga mata.

"Ang clingy mo naman masyado, babe." I heard Hiro's words amidst the strong wind that made my hair a mess. Nilayo ko ang ulo ko nang mapagtanto kong nakasandal na pala ako sa likuran niya.

"Anong package 'yong pinili mo?" tanong ko na lang sa kanya habang pinipilit na buksan ang aking mga mata. But water sprayed again on my face so I didn't. Nakonsensiya rin ako kaya niluwagan ko ang pagkakapulupot ng kamay ko kay Hiro kahit palundag-lundag na kami dahil sa mga alon.

"'Yong jet ski for thirty minutes," simple niyang sagot pero ang laki ng epekto sa akin. Hindi pa nga yata nakalipas ang limang minuto nang magsimula kami tapos malalaman ko na lang sa kanya na matagal pa kami mag-je-jet ski?

"Bakit? Bored ka na ba?"

Pinapakalma ko pa ang sarili ko kaya hindi ako kaagad nakasagot. But I lost both my voice and sanity when we accelerated and our speed overwhelmed me so much that the only thing I could do as of the moment was to hug Hiro.

Hindi ko alam kung ilang minuto na ang lumipas nang bumagal na ulit kami. My soul almost left my body and now my arms and legs felt sore for being in an awkward position.

"Reg, buhay ka pa?" rinig kong tanong ni Hiro. I didn't bother answering him because I was tired of clinging to him for my dear life.

"Kahit gusto ko pang yakapin mo ako nang matagal, kailangan na natin magpalit ng puwesto. Ikaw na ang mag-drive para patas. Nangangalay na rin ako, eh," sabi niya ulit.

Drawn to His FlameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon