Kabanata 1

6.8K 178 29
                                    

Encounter

"Isang wintermelon po. Regular," wika ko. The lady manning the cashier gave me a polite smile before she processed my order. Pagkatapos kong iabot sa babae ang bayad ko ay naramdaman kong may kumalabit sa akin mula sa likuran.

"Isa lang?" tanong ni Hiro na nakakunot na ang noo. He looked troubled and I don't know why. Ano na naman kaya ang iniisip ng lokong 'to?

Tinanguan ko siya bago magsalita. "Yup. Hindi ko rin naman mauubos kaya isa lang ang inorder ko."

Malakas na napasinghap si Hiro kaya napalingon ulit ako sa kanya. "Paano ako? Where's my milk tea?" nagtatampo niyang tanong sa akin. Kumapit pa talaga siya sa braso ko habang nakanguso. Ngayon ay alam ko na kung bakit walang tumatagal sa kanya. He's too clingy for a guy.

Iwinaksi ko naman ang kamay niyang nakahawak sa akin bago ko siya pinaningkitan ng mata. "I already treated you carbonara and large fries, dude. Huwag kang abusado," sagot ko sa kanya. Napakibit-balikat lang siya bago umiwas ng tingin.

"You disturbed my peaceful summer day because you need my help tapos hindi mo man lang mapagbigyan ang gusto ko. What kind of friend are you, Reg?" madrama niyang pahayag.

Pagak akong napatawa sa mga sinabi niya. "Remember that you have your obligations as a campus photojournalist of our school's pub. So sa ayaw at sa gusto mo, kailangan mo akong tulungan," I replied and I even lifted my chin so that I'll look taller than him.

"Wow! Coming from you, Mr. EIC! I already submitted the photos of all school event that you assigned for me to cover. Nagpasa pa nga ako ng tula sa 'yo kahit hindi naman ako literary writer! At ngayon, mukhang ako pa ang gagawin mong lay-out artist dahil hindi nagpaparamdam sa 'yo si Shell."

Tinalikuran ko na lang siya bago ko hinarap ang babaeng mukhang naaliw sa pagtatalo namin ng kasama ko. "Isa pa nga po na wintermelon. Large."

I could already imagine Hiro grinning triumphantly behind me. I really should remind myself not to argue with an aspiring lawyer again.

"Here's your order, sir. Enjoy!" Pasimple lang akong tumango sa babae bago ko kinuha ang milk tea ko at naunang bumalik sa aming mesa. My favorite country song was being played right now but I wasn't in the mood.

Napabuntong-hininga ako nang maramdamang gumaan na ang aking pitaka. Kailan ba kasi dadating si Shell? Being with Hiro will really make me broke.

"Hey, nakalimutan mo kumuha ng straw," sabi ni Hiro habang inilalahad niya sa akin ang kanyang hawak. Kinuha ko na lang iyon nang hindi siya pinapasalamatan.

I then pulled my laptop out of my bag before turning it on. "Are you mad?" tanong niya sa akin. I just gave him the I-am-busy look before I returned my eyes on my laptop's screen.

I began scrolling a folder where I placed all the articles that I edited and proofread. Tapos ko na sana lahat pero 'yong format na lang talaga ng magazine namin ang kulang. And lay-outing alone is a strenuous task and I couldn't really do it on my own.

Hiro began sipping his tea noisily so I threw him a glare. "Papansin ka?" untag ko sa kanya.

"Galit ka nga," he murmured before taking my laptop away from me.

"Hoy! Ibalik mo sa akin 'yan," utos ko sa kanya pero sinagot niya lang ako ng iling.

"Takot ka bang makita ko ang mga nakasave mong porn dito, Reg?" pilyo niyang tanong. Pinandilatan ko siya ng mata bago ko nilingon ang kabuuan ng bistro. I heaved a sigh when I saw that the wooden seats were mostly unoccupied. Mabuti na lang talaga at nasa pinakasulok pa kami nakapuwesto.

Drawn to His FlameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon