Kabanata 38

1.4K 88 16
                                    

Misfortune

His laughs rang in my ears as I dragged him to the back room. Padarag kong sinarado ang pinto at binitawan si Treyton nang makarating kami roon. Humigop ako ng maraming hangin bago ako lumingon sa kanya. Seeing Treyton’s amused expression when I turned to him really made me despise him more.

“What do you think you’re doing right now, Franco?” I asked sharply while boring my eyes into his.

He held his chin and acted as if he’s in deep in thought before smiling cockily. “Same reason as why you’re here. Gusto kong magtrabaho,” sagot niya. I scoffed because his reason didn’t seem plausible at all. A very rich guy like him who bought an expensive drink from us yesterday wants to work? Sinong ginawa niyang tanga?

“Bored ka ba? Wala ka na bang magawang iba, ha?” pagalit kong tanong sa kanya dahil umiinit na ang ulo ko sa mga ngisi niya.

“Bakit? Is wanting to work a crime?” inosente niyang tanong. I was boiling now in rage but I kept it all in.

“It’s not. But you being here makes me want to commit one,” banta ko sa kanya. Why is he even here? Bakit hindi pa siya bumabalik sa siyudad? Did he seriously want to take revenge on me after I threw all those harsh words at him that he deserved in the first place?

“Nice try. I almost got scared. It makes me look forward to work with you more.” Doon ko lang napansin na nakalapit na pala siya sa akin. Hindi ako makagalaw nang lampasan niya ako dahil pinipigilan ko ang panginginig ng aking katawan dahil sa inis.

Narinig ko pagkatapos ang pagpihit niya sa seradura ng pinto. “Kung ginagawa mo lang ‘to dahil sa sinabi ko sa ‘yo sa isla, uunahan na kita. Wala kang mapapala sa binabalak mo, Franco,” madiin kong saad bago ko pa marinig ang mga papaalis niyang yabag.

“Not everything revolves around you, Cordova. Bear that in mind.”

Nanikip na lang ang dibdib ko pagkatapos. I heard the door closing again but I still remained on my spot, unmoving. I was embarrassed and the truthfulness in Treyton’s words just makes me want to vanish from the face of the earth. 

As an ABM student, I was taught to never assume unless stated. Tinatak ko sa isipan ko ‘yon pero bakit ang hirap gawin?

But come to think of it, all things lead to that assumption! Customer lang namin siya kahapon pero ngayon ay nandito na rin siya nagtatrabaho! He said he wants to work but why in a cafe, out of all places? At sa dami ng cafe sa Venturanza ay bakit dito pa talaga sa Nectar?

Now tell me if I’m just being delusional! Planado niya talaga ‘tong lahat.

Malakas akong napabuga ng hangin nang mapagtanto ko na nag-aalburuto na naman ako sa galit dahil sa lalaking ‘yon. But I have to calm down because he already clarified things. Kung ipipilit ko pa ang hinala ko ay ako rin naman ang magmumukhang desperado.

He even said it himself that this wasn’t about me so I should be relieved at least. Pero bakit hindi iyon ang nararamdaman ko?

Biglang bumukas ang pinto at bago pa ako makalingon ay nakarating na sa harap ko si Hiro. “Nakita mo na siya?” nag-aalala niyang tanong na sinagot ko sa pamamagitan ng pagtango.

Narinig ko ang sunud-sunod niyang mga mura pagkatapos. Parang puputok na ang mga ugat niya sa kamay dahil sa higpit ng pagkakakuyom niya sa kanyang kamao. “Susubukan kong kausapin si Tita. But I don’t think she’ll fire that punk just because I asked her to. Mag-resign na lang tayo kung ‘yon nga ang mangyari. May alam pa naman akong ibang cafe na nag-ooffer ng summer job—”

“Ayos lang, Hiro. We don’t have to resign just because of him,” I firmly said. Nakapagdesisyon na ako. I’m staying even though I don’t think I can enjoy my job because Treyton’s working with us. Kailangan ko lang talagang gawin ‘to para patunayan sa lalaking ‘yon na hindi na ako magpapa-apekto sa kanya.

Drawn to His FlameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon