Kabanata 29

1.9K 123 46
                                    

Sunset

“A minor is still punishable for theft, you know.”

I scoffed before turning to look at Treyton. Natawa ako nang maalala ko na naman kung gaano nanlaki ang mga mata niya kanina nang makita niyang nasa akin ang pitaka niya. Effective pala talaga ‘yon para mapapayag siya sa gusto ko.

“Big word naman yata ‘yong ‘theft’. Hindi ba puwedeng ginagaya ko lang ang mga technique na ginamit mo sa akin noon?” asar ko ulit sa kanya. He sighed loudly before leaning on his seat’s head rest.

Binalik ko na lang din ang wallet niya pagkatapos. I wasn't planning to keep it anyway. Tinaasan niya ako ng isang kilay dahil doon kaya ako na ang napasinghap. Attitude rin, e. “Pasalamat ka at may konsensya pa ako. Kunin mo na bago ako mangalay.”

He snubbed me so I just dropped the thing on his lap. I opened my phone next and I almost panicked when it just wouldn’t stop vibrating because of a lot of text messages coming from Hiro and Shell. Isang araw ko na rin kasing hindi nabubuksan iyon. I put it into silent mode before telling them that I’m fine and I just had something important to do.

“Nasa unahan lang pala ng airport ‘yong terminal. Doon ka na lang dumiretso,” pahayag ko pagkatapos kong hanapin sa internet ang lokasyon ng dapat sana’y pupuntahan ni Treyton. Ngayon lang kasi ako nakaramdam ng hiya sa pinaggagawa ko. Isa pala talaga akong dakilang istorbo.

“Paano ka?”

“Okay lang. Sanay naman akong mag-isa,” pabiro kong sagot.

Tumikhim si Treyton bago magsalita. “Saan ba tayo pupunta?” My eyes seemed to bulge out of their sockets. Why does he sound interested? O baka napilitan lang magtanong dahil naaawa siya sa ‘kin?

I smiled and just used this to my advantage. “Sasabihin ko lang kapag siguradong sasama ka,” wika ko.

“Forget that I asked,” tugon niya na ikinasimangot ko. Hindi ko alam kung bakit malungkot ako. I should be happy that Treyton’s leaving because it means that I would finally be free from him and what he’s holding against me, if he had some. But this was an extreme kind of sadness that reminded me of what I felt when I lost my first pet and when I brought nothing home after joining a contest. Parang hindi ko kayang isipin na hindi ko na makikita si Treyton dahil kahit papaano ay naging malaking bahagi na ulit siya ng buhay ko. Hindi ko alam kung ano ang tingin niya sa akin pero para sa akin ay kaibigan ko na siya. I realized it now when he’s already leaving.

Even though I wanted to make him stay a little longer, I can’t bring myself to do something. Mukhang gusto naman kasi niyang umalis kaagad. I won’t stop him if this is what he really wants.

“Dito na po tayo, sir.” Nabalik lang ako sa huwisyo nang magsalita ang driver. Ito na talaga ang oras para magpaalam kay Treyton kahit ayaw ko pa. But I was surprised when I saw that he wasn’t beside me anymore. Kumunot naman ang noo ko nang biglang may nagbukas ng pinto ng taxi para sa akin.

“Ikaw na ba ngayon ang didiretso sa airport?” masungit na tanong ni Treyton na siyang ikinatawa ko. At kahit anong pigil ko ay napangiti pa rin ako dahil kasama ko pa rin siya hanggang ngayon.

“Ano ang nakapagbago ng isip mo?” I asked him, too eagerly.

“I just don’t want to inconvenience the driver. Sinabi mo na kasing dito tayo bababa.”

Tumango-tango na lang ako kahit hindi ako kontento sa sagot niya. “Teka... Paano ang flight mo?” I asked upon a realization. Kinabahan naman ako bigla. Treyton won’t surely cancel an expensive flight for me.

“I haven’t booked one yet.”

I couldn’t hide the smirk forming on my lips. “Baka hindi ka naman talaga aalis...”

Drawn to His FlameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon