Kabanata 19

1.3K 115 27
                                    

Daddy

"Babe! Ulitin mo na please! Hindi ko narinig!" pagpupumilit ni Clay habang nakapulupot ang kamay niya sa braso ni Fiona. Kasama ko silang naglalakad ngayon paalis sa football field. We congratulated Clay earlier and now she's bugging Fiona because his girlfriend said something that we didn't expect her to say.

"Manigas ka diyan! Bakit ba kasi ang bingi-bingi mo?" Fiona grumbled. She's now back to her moody self which made me chuckle. Parang kanina lang kasi ay halos masira na 'yong vocal chords niya kakacheer kay Clay.

Napailing na lang ako nang parang batang nagmukmok si Clay habang patuloy pa ring niyuyugyog ang balikat ni Fiona. Dumistansya ako mula sa kanila dahil pinagtitinginan na kami ng ibang estudyante. I really should've went with Shell earlier when she told me that she'll be practicing with other choral members instead of being a third wheel to these love birds.

"Sige na, babe. Wala ka na ngang binigay na kiss eh."

Dahil doon ay nakatanggap naman ng batok ang lalaki. "Demanding ka pa ha? 'Tsaka ko na lang nga sasabihin kung kayo ang magiging champion this year."

"Aba, walang bawian kung gano'n! Just wait and see, babe!"

"Una na ako guys," singit ko na sa usapan ng dalawa. Nakita ko pa ang mga gulat nilang mukha nang mapalingon sila sa akin. Mukhang nakalimutan na nga talaga nila na kasama nila ako.

"Uy, Reg, sure ka? Sayang 'yung libre ni Clay," pahayag ni Fiona.

Naguguluhan namang tumingin 'yong una sa kanya. "Luh? Wala naman akong sinabi ah."

Mukhang magbabangayan na naman sila kaya inunahan ko na. "Okay na guys, alis na ako! Ingat kayo!"

Nakahinga na ako nang maluwag pagkatapos kong makalayo nang tuluyan mula sa dalawang 'yon. Now I understand Shell's struggles. I would really bear in mind not to be alone with those two again.

Bumagal ang mga hakbang ko nang may mahagip akong isang babae sa 'di kalayuan. Habang papalapit ako sa kanya ay namumukhaan ko na siya.

Almira was looking at something so I turned to that direction. Nakita ko naman pagkatapos ang isang kumpulan ng mga estudyanteng parang may sinusundang tao. Napasinghap ako nang makilala kung sino ang pinagkakaguluhan nila.

Seriously? Ano ba talaga ang nakita nila kay Treyton?

Nang ibalik ko ang tingin ko kay Almira ay nakita kong naglalakad na siya papuntang parking lot. There was still a heavy cloud surrounding her so I decided not to approach her. Maybe she needs time to be alone.

Or maybe she wants to be with someone but that someone is unavailable at the moment?

I jumped on my bed and drifted to sleep the exact moment I got home in my unit. My nap lasted for about two hours so my tummy was growling when I woke up. Tumungo agad ako sa ref para kunin 'yong niluto ko kagabi pero nasorpresa ako nang hindi ko na mahanap iyon doon.

I only have one culprit in mind. I really can't keep up with his audacity.

Kinuha ko na lang ang wallet ko bago pumunta sa harap ng salamin. I straightened my clothes a bit because they looked wrinkled. Gamit ang mga daliri ko ay sinuklay ko ang buhok ko at hinawi ang iilang mga hibla na pumipigil sa aking makakita nang maayos.

I went out afterwards when I was finally contented of my appearance. Hiningal ako bago ako makababa sa ground floor pero ayos lang dahil pang-ehersisyo ko na rin 'yon. I had already overcome my fear of elevators but I still couldn't see myself riding one so I had to bear taking the stairs all the time.

"Where you goin', Reg?"

"Bibili lang ng fried noodles," sagot ko kay Shell na hindi ko sana napansin kung hindi niya ako kinausap. She looked like she just arrived here after their practice.

Drawn to His FlameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon