Kabanata 26

1.6K 104 21
                                    

Too Late

I was too tired that I fell asleep on my way back to my apartment. Nainis nga ang taxi driver na naghatid sa akin dahil nahirapan siyang gisingin ako. Sobra na lang ang binayad ko dahil mukhang naabala ko talaga ang tao.

Sa sobrang pagod ko ay hindi ko na nabati si Almira nang makita ko siyang kasama si Treyton sa unit namin. Bumibigat na rin ang mga talukap ng mga mata ko at gusto ko na talagang magpahinga. I crawled to my bed and immediately went back to sleep.

Nagising ako dahil sa kumakalam kong sikmura. Nakita kong nakabukas pa rin ang ilaw na nasa kusina kaya napa-check ako kung anong oras na. It’s already two in the morning.

Gising pa rin ba siya?

When I got out, I saw that there was food on the dining table. I didn’t see Treyton which was a good thing. Umupo na lang ako at nagsimula nang kumain. Mabilis din akong natapos. The silence in here is killing me so I decided to go out.

My feet led me to a place that I haven’t gone to before. Ilang palapag din kasi ang apartment na ‘to kaya hinding-hindi ko talaga maiisipang pumunta sa rooftop noon lalo na’t hindi naman ako sumasakay sa elevator. I was panting hard but I continued climbing the stairs. So sobrang ngalay ay napahiga ako nang makarating na ako sa rooftop. Mukhang wala rin namang tao rito kaya magagawa ko kung ano ang gusto ko.

At doon nga ako nagkakamali.

Mabilis akong napatayo nang makarinig ako ng mga yabag ng paa. “Mahiga ka ulit. Bababa na naman ako,” Treyton prodded. Nahihiya akong umiling sa kanya.

“Ako na. Napadaan lang naman ako. You know... exercise.” Napapikit ako bago ko inirapan ang sarili ko.

Kung ano-ano na ang pinagsasabi mo, Regan!

Nang imulat ko ang mga mata ko ay nakita ko ang simpleng pagngisi ni Treyton. “Okay. Pero pwede ka namang mag-exercise rito... I’ll just leave.”

I shook my head, too aggressively. “Diyan ka lang. Mas malapit ako sa hagdan, oh,” sabi ko sabay turo sa nasa likuran ko. I attempted to take a step back but stopped when Treyton pointed at something beside him. I gasped.

“The elevator’s faster. Mauna na ako.”

I stopped him by throwing another useless excuse. Sinabayan niya rin ang trip ko pero dehado ako kaya ako na ang unang sumuko. “How about we both stay?” suhestiyon ko.

“Sounds good,” tanging sagot niya.

Nakahanap ako ng upuan at doon umupo. Treyton’s near the railings and he’s overlooking the entire city while I was marveling at the stars. Hindi ko alam kung bakit pero may kakaibang pakiramdam na bumalot sa akin nang makita ko ang mga bituin. Baka dahil ngayon lang ulit ako napatingin sa langit? Puro lang kasi sa screen ng mga gadgets at pahina ng libro ako nakatutok nitong mga nakaraan. But nature would always be there to charm you with its splendor.

“Congrats pala,” wika ko kay Treyton para lang basagin ang katahimikan sa pagitan namin. Kahit ‘di ko napanood ng buo ‘yong pageant ay kalat na kalat din naman sa social media ang results. Hindi na ako nagulat pa nang nakita ko kung sino ang nanalo. I’d be more surprised if other candidates brought home the title and the crown.

“Thanks.” Napayakap ako sa sarili ko. Dumagdag pa talaga siya sa lamig ng panahon.

"Madalas ka ba pumupunta rito?" I asked as an attempt to strike a conversation.

"Oo."

“Totoo bang nagshift ka sa ABM dahil kay Almira?” tanong ko dahil wala na akong ma-topic. Naalala ko rin naman kasing pumunta si Almira kagabi sa unit namin kaya natanong ko iyon.

Drawn to His FlameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon