Detour
The first thing I saw when I opened my heavy eyes was Treyton’s back. Nakatayo siya sa harap ng mesa at kung titingnan ang paraan ng paggalaw niya ay parang sinusubukan niyang hindi makagawa ng kahit anong ingay.
The moment I woke up I felt so tired as if I did some strenuous activity all day instead of sleeping. I tried to move so I can get a better lying position but stopped when that simple action caused pain to arise. Umikot na naman ang paningin ko kaya napahinga ako nang malalim. Parang nagka-trangkaso ako dahil halos lahat ng parte ng katawan ko ay sumasakit. The scorching hot feeling I’m enduring within didn’t help too.
Ang mga mata ko lang ang malayang nakakagala ngayon at dumapo ang mga ito sa labas ng bintana. Makulimlim ang panahon na para bang may malakas na ulan na namang paparating. I caught sight of the wall clock next and saw that it was already four. I gasped when I realized that I slept for almost half a day and I still wasn’t feeling any better.
“You’re awake.” My eyes darted to Treyton and I saw him nearing me with a bowl on one hand. Umupo siya sa silyang katabi ng kama ko. Dahil doon ay nakita ko ang isa pang kama na nasa gilid lang no’ng akin.
“Lumipat ba tayo ng kuwarto?” tanong ko sa garalgal na boses dahil sa nanunuyo kong lalamunan.
“Oo. Hindi naman puwedeng ikaw lang ang may kama,” sagot niya kaya napahalakhak ako. Ang suplado pa rin niya kasi. Kumunot naman ang noo ni Treyton dahil sa aking naging reaksiyon.
I stopped when needles started to prick my head again. “How are you feeling? Sumasakit pa rin ba ang ulo mo?” Treyton questioned. Napansin niya siguro ang pagngiwi ko kaya niya iyon natanong. Tumango na lang ako habang napapayuko.
“You need to eat so you can take your meds.” I nodded before extending my hands at the latter. Pero imbes na ibigay niya sa akin ang mangkok na hawak niya ay nakita kong may kutsara na ngayong nakatutok sa aking bibig. “Subo mo na,” utos ni Treyton dahil tinitigan ko lang ang kutsarang hawak niya. I was just making sure if this wasn’t another delusion.
“Nilalagnat ka rin ba?” usisa ko kaya napabuntong-hininga si Treyton. He looked stressed out which made me grin. He’s just cute without even trying.
“For a sick person, you’re too noisy.” Akmang ibababa na niya ang hawak na kutsara pero nagawa ko nang ubusin ang laman no’n. My taste buds surely rejoiced when I tasted that vegetable soup.
“Hindi ako mabubusog sa isang kutsara lang,” pahayag ko dahil nakita kong natulala na lang si Treyton habang nakatingin sa akin at parang wala na siyang balak na pakainin ako. Kailangan ko pang tapikin ang kamay niya para matauhan siya.
He continued to spoon-feed me until I finished two bowls. Nagpasalamat na rin ako sa kanya nang bigyan niya ako ng isang baso ng maligamgam na tubig. Ininom ko na rin ang gamot para sa lagnat. Kung kanina ay napakasama ng pakiramdan, ngayon ay naging maayos na kahit papaano.
“Puwede pakibuksan ‘yong tv?” I requested. I was bored and I just can’t keep on watching Treyton eat because there wasn’t any other interesting thing to do.
“No. Sasakit lang lalo ang ulo mo,” sagot sa akin ng lalaki.
“You sound like my mother.” Napalakas yata ang pagkakasabi ko no’n dahil nakita kong pinanliliitan ako ng mata ng kasama ko.
He drew a long breath before noisily dragging his chair. “Don’t blame me after this,” he warned before turning the television on. I smiled at him widely when he handed me the remote control.
I was happily looking for an entertaining show to watch not until I came upon a sports channel. “God, hindi ako naka-attendance!” litanya ko nang maalala na hindi ako sumulpot sa pangalawang araw ng Intramurals namin.
BINABASA MO ANG
Drawn to His Flame
Teen FictionRegan Cordova yearns to taste true freedom. So when an opportunity to be independent arrives, he takes it without any second thoughts. With a clear goal in mind, he's ready to prove that he's not just a mere shadow following his parents' footsteps. ...