Kabanata 22

1.8K 116 27
                                    

Golden

The days went by unexpectedly fast. Masyado akong naging abala dahil sa dami ng mga kailangang gawin at tapusin kaya paminsan-minsan ay nagugulat na lang ako kapag malalaman ko kung anong araw na.

Our Pre-final exams are also all over yesterday. Tatlong linggo lang ang pagitan no’n sa Midterms namin noong nakaraan kaya hindi ko napaghandaan nang maayos. But it was advantageous to us students because the coverage of our exams were shorter than what we expected.

Pero sa kasamaang-palad ay may natitira pang bikig sa aking lalamunan. And that is our oral defense scheduled today. I didn’t know why our defense panelists decided to push through the latter even though our Intramurals is starting on Monday. Pero nang marinig ko ang mga hinaing ng mga Grade 12 students na kasabay ko kahapon sa paglalakad pauwi dahil pagkatapos daw kasi mismo ng Intrams ‘yong defense nila ay hindi na ako nagreklamo pa.

Mas mabuti nga talaga na matapos na agad ang defense namin para makapagpahinga ako ng isang linggo next week. Kagaya ng nakagawian ko noong nasa Venturanza pa ako ay plano kong pumunta lang para mag-attendance at umuwi pagkatapos. Hindi naman kasi ako mahilig manood ng mga palaro at hindi rin naman ako mapapakinabangan bilang audience dahil hindi naman ako pala-sigaw. I’ll just ask Shell to fill in for me. Kahit kasi pagsama-samahin ang limang tao ay hindi pa rin nila mapapantayan ang energy ng kaibigan ko kapag nagtsi-cheer.

Pagkatapos kong maiplantsa ang susuotin kong pantalon mamaya ay nilagay ko na iyon kaagad sa hanger. I was about to iron my striped tie next when someone spoke behind me.

“Ba’t ka pa bumili? I told you that I’ll lend you mine,” wika ni Treyton sa tonong nanenermon.

I racked my brain for that memory of him saying that to me but I found none. “Did you? Baka hindi ko narinig,” sagot ko nang hindi siya nililingon.

Something suddenly landed on my shoulder and I saw that it was another tie. “You can use that if it suits your outfit more,” he recommended.

“Sige. Salamat,” I answered softly.

“Don’t forget all of my advices. And do your best so I won’t get disappointed.”

Tumango lang ako at tuluyang napabuga ng hangin nang marinig ko pagkatapos ang pagsara ng pinto. I don’t know why but Treyton’s friendlier to me now. We don’t talk a lot these past days because we’re both drowning in our own responsibilities as students, plus him as an athlete, but I noticed that he always finds a way to check up on me.

I may be misinterpreting his actions but I’m happy because my life’s peaceful, at last. Akala ko talaga dati ay hindi na matatapos ang isang araw nang hindi kami nag-aaway o nagsasagutan kapag pinagsama sa iisang lugar.

But look at how far we’ve come.

Napatayo kaming lahat nang marinig namin ang palakpak ni Almira. Kagaya niya ay nakasuot kaming lahat ng formal attire. Kung hindi dahil sa aircon ay baka kanina pa tagaktak ang pawis namin dahil sa suot naming makakapal na damit.

Noong nalaman namin na kami ang pinakahuling magdedefense sa section namin ay masayang-masaya kami pero pinagsisisihan na namin ‘yon. Ilang oras na kaming naghihintay at hindi ko alam kung ako lang ba ang mukhang mahihimatay dahil sa sobrang kaba.

“The other group will finish any moment now. Pray muna tayo guys bago sumabak sa giyera.”

All of us chuckled halfheartedly because it’s obvious that we’re all nervous. We formed a circle afterwards and bowed our heads when Almira led the prayer. Isa-isa niya rin kaming binigyan ng pagkakataon na manalangin pagkatapos.

Drawn to His FlameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon