ANNE'S POV
Maaga ang out ko ngayon.pero nandito pa rin ako sa restaurant inaantay si analyn na matapos sa ginagawa niya.kanina ay natuwa ang lahat dahil naconfirm na namin na mananatili kaming empleyado dito sa ramen house.napakabait talaga ni mr.sy dahil naisip niya kami!hindi ko maiwasang tumingin tingin kanina kay sir jared ewan ko ba pero nasisiyahan ako sa tuwing nakikita ko siya!madalas ko rin itong mahuling nakatingin sa akin.pagtapos ng meeting kanina ay 1 hour lang itong nagstay sa restaurant at umalis din..
"Oy anne!tara na.ano naman iniisip mo diyan?hindi ko namalayan nakalapit na pala si analyn sa akin.
"Ha?wala,ano uwi na tayo?"sabi ko na lang kay analyn.
"kain muna tayo ice cream,meron naman ice cream parlor malapit sa sakayan ng dyip"aya naman ni analyn.bigla tuloy akong natakam kumain ng ice cream,"sige ba basta libre mo!haha!"biro ko naman.. "lagi naman teh di ba?"natawa naman ako sa sagot ni analyn.madalas kasing siya ang taya pag kumakain kami..
Pagkarating sa ice cream parlor ay agad akong umupo sa malapit sa glass window.tanaw kasi dito yung mga dumadaang tao,si analyn naman ay pumunta sa cashier.alam naman niya ang flavor na gusto ko..
Lumingon ako sa pwesto ni analyn ng marinig kong tumatawa ito!napailing na lang ako at natawa.kaya siguro nag aya ito dito ay dahil meron nanaman siyang natipuhang nagtatrabaho dito,may itsura naman kasi yung lalaki sa may cashier.maya maya lang ay palapit na sa akin si analyn.
"abot langit ngiti mo diyan!sinsabi ko na nga ba.kaya ka nag aya dito siguro ay dahil dun sa cute na guy sa cashier"pang aasar ko agad kay analyn pagupo nito,inabot naman niya sa akin ang isang ice cream."hindi ah.ikaw talaga mapaghinala eh"depensa naman nito at agad na tumingin sa may labas..
"O.M.G,si sir jared ba yung papalapit dito sa loob?pag iiba nito ng usapan.."Hoy bruha wag mu ibahin yung usapan"natatawa kong sabi.."hindi ako nagbibiro!tignan mo kaya"lumingon naman ako sa labas pagkasabi ni analyn,bigla naman akong di mapakali ng makita kong papasok na siya dito."isang multi billionaire kakakain ng ice cream sa isang di kilalang ice cream parlor!hihihihi"sabi naman ni analyn habang nakatingin kay sir jared na nakapasok na sa loob,nang tumingin ako dito ay nagkatinginan kami at mukha pang nagulat ito ng makita ako,JARED'S POV
Bumalik ako ng ramen house para makita si anne ng makita ko itong lumabas na ng resto kasama ang kasamahan nito.naisipan kong sundan ito at mukha pupunta sila sa isang ice cream parlor.nagtago ako agad dahil baka makita nila akong nakasunod.mukhang tatambay pa sila doon.kaya naman naisip kong pumunta dun at magkunwaring kakain din ng ice cream.
Kanina ng matapos kong makausap si dad sa phone ay isang oras lang akong nagtagal sa resto at agad pumunta sa office ni dad,nalaman ko na rin ang totoo tungkol kay frederick roble.sinabi ko kay dad na patay na ito.ngayon sigurado akong may kinalaman siya sa pagkawala.ni shamie nung araw na maaksidente ito.lalong tumibay ang hinala ko na si anne ay si shamie ng tumawag si det shan habang nasa office ako ni dad.ayon kay det shan ay walang anne roble na nakaregister sa city hall.kung ganun paano siya nakapagtrabaho?naisip ko na pinalitan nila ng identity ito.sa panahon ngayon pwede ka ng magpagawa ng mga pekeng dokumento.
Ng makapasok ako sa loob ng ice cream store ay agad kaming nagkatinginan ni anne.nagkunwari akong nagulat ng makita siya.pumunta ako sa may counter para bumili ng ice cream at lumapit sa table nila,hindi ko gawain to pero may kailangan kong makalapit kay anne para sa dna test na pagagawa ko.
"Mind if i join you?"tanong ko pagkalapit sa kanila."sure sir jared!"sagot naman ng kasama ni anne,"thank you!"pasalamat ko naman at umupo sa tabi ni anne."hindi ko akalain na ang may ari ng ramen house at multi billionaire ay kumakain ng ice cream sa ganitong lugar"pagbibiro naman ni?analyn?oh yeah i remember her name."well atleast you know im human too"pabiro ko namang sagot.si anne naman ay tahimik lang sa tabi ko."palabiro po pala kayo sir!hihihi"napapansin kong siya lang ng siya ang kumakausap sa akin."sometimes"nakangiti ko namang sagot.
BINABASA MO ANG
My Love For You.....
RomanceAno kaya ang gagawin ni Anne kapag nalaman niya ang totoong pagkatao niya.. Matatanggap niya kaya agad ito..