MLFY 10 (continuation)

310 13 0
                                    

"ANNE'S POV"

nagulat ako kay sir jared ng itigil niya yung kotse sa tapat ng park na tinitignan ko,kanina ay ay sobrang nahihiya ako dahil ihahatid pa niya kami ni analyn pauwi,ayoko man wala narin akong nagawa dahil sa kakulitan ni analyn.kahit kailan hindi ako mananalo pag ginusto niya..aaminin kong may konting saya akong nararamdam sa hindi maipaliwanag na dahilan..pagkaupo ko sa swing ay hindi ko ineexpect na magkwekwento siya tungkol sa buhay niya,hindi ko maiwasang makaramdam ng awa sa kanya,ang hirap ng sitwasyon niya..habang nagkwekwento siya para bang alam ko na yun,pakiramdam ko alam ko yung kinukwento niya..nasasaktan din ako..nasasaktan akong makita siyang malungkot,na para bang ang bigat ng kalooban niya..

"are alright anne?"napatigil ako sa pag iisip ng magtanong si sir..

"aa aa,ok lang po ako sir para bang nasasaktan din ako sa kwento mo..alam mo po ba sir simula ng tawagin mo kong shamie noon,naguluhan na ako sa pagkatao ko,may part sa akin na gusto kong alamin kung ano yung past kong hindi ko maalala.tapos yung mama ko para bang may tinatago siya sa akin.tsaka nakakahiya mang sabihin palagay yung loob ko sa inyo sir"sabi ko..

"What if ikaw talaga si shamie?what if ikaw talaga ang asawa ko?"tanong bigla ni sir.sobrang seryoso niya.

"What if kung ako si shamie?hindi ko alam sir.hindi naman siguro hahayaan ni mama na hindi ipaalam sa akin na may asawa ako,na hindi pala talaga ako si anne"sagot ko sa kanya.hindi ko talaga alam ang gagawin ko kung sakaling totoo nga yun. "Talaga bang kamukha ko ang asawa mo sir jared?"tanong ko..

"Yup"sagot naman nito,tumayo ito sa swing at lumapit sa akin at umupo sa harap ko.nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko.gusto kong tanggalin ito pero di ko magawa. "Anne,can i ask you a favor?"seryosong sabi ni sir.. "ano po yun sir?basta po kaya ko walang problema"sabi ko na lamang..

"Can i hug you?kahit 5 seconds lang?

"Aa ano po si...." hindi ko pa natatapos yung sasabihin ko ay niyakap na lang ako bigla ni sir.sobrang lakas ng tibok ng puso ko.para bang namiss ko ang yakap niya kahit ngayon lang ngyari to.hindi ko namalayan na kusang gumalaw ang mga kamay ko para yumakap pabalik sa kanya.naramdaman kong nagulat siya sa ginawa ko.lagpas 5 seconds na ng kumalas si sir jared sa pagyakap sa akin. Tumingin siya ng diretso sa mga mata ko at hinawakan ang makabilang pisngi ko.nakatingin lang ako sa kanya.hindi ako makapagsalita.kung kanina sobrang lakas ng tibok ng dibdib ko.ngayon naman ay para bang sasabog na ito.unti unti namang lumapit ang mukha ni sir sa akin.hindi ko alam pero kusang pumikit ang mata ko kasabay nun ang paglapat ng labi niya sa labi ko.

Bigla kong naitulak si sir jared dahilan para matigil siya sa paghalik sa akin,tumayo ako at biglang tumakbo.naririnig ko ang pagsigaw niya sa pangalan ko..mali itong nararamdam ko.hindi naman kami.hindi niya ako mahal at ganon din ako.hindi ko mapigilan umiyak.pero sa kabila ng iyak ko may parte sa akin na masaya.hindi ko alam kung saan na ako nakarating.nagulat na lang ako ng may humawak sa kamay ko at iharap sa pwesto niya.sinundan pala ako ni jared.

"Im so sorry.hindi ko sinasadyang halikan ka.please dont get mad at me..im sorry"sincere na sorry nito.
"Please anne..im really sorry,please,please dont cry.hindi ko dapat ginawa yun"patuloy niyang sorry sa akin habang pinupunasan ang luha ko.hindi naman ako galit sa kanya.nagagalit ako sa sarili ko dahil alam kong hindi naman kami pero nagpahalik ako.nakatingin lang ako sa mga mata nya na para bang nakikiusap na patawarin ko siya.

"Gusto ko na po umuwi sir!!"agad naman itong tumango.naglakad naman ako ulit pabalik sa park kung saan nandoon ang kotse niya.nakasunod lamang si sir sa akin.pagkarating namin sa kotse ay agad akong pumasok sa backseat.hindi ko kayang tumabi sa kanya sa fontseat.narinig ko naman siyang bumuntong hininga at pinaandar ang sasakyan nito.tahimik lang kami.napapasin ko din na panay ang lingon niya sa akin.nakarating naman agad kami sa bahay.bumaba ako ng kotse agad.

My Love For You.....Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon