SHAMIE'S POV
3:00.am ng magising ako,hindi ko muna ginising si jared, gusto ko pag gising niya ay may breakfast ng nakahanda. Bumaba na ako at pumunta sa kitchen, kumuha ako sa ref ng ham,egg,hotdog at bacon.
Nagsimula na ako mag luto ng breakfast,nag prito na rin ako ng tuyo dahil gusto ito ni maggie at blake,pagtapos ay sinangag ko yung rice na natira kagabi. Ng matapos ako ay nilagay ko na lahat ng pagkain sa dining table.
"need help?" agad akong napalingon sa likod ng may nagsalita.
"hindi na, tapos ko ng ihanda yung food, kain ka na? Tawagin ko lang sila" naiilang ako sa tuwing nandyan si khian,ewan ko ba simula ng magkausap kami sa restaurant ay nailang na ako sa kanya.
"Shamie.,"
"bakit?"
"iniiwasan mo ba ako?"
"hindi, bakit mo naman natanong?"tanong ko pabalik kay khian..
"Wala naman,pansin ko lang kasi na parang umiiwas ka sa akin..."
"Hindi kita iniiwasan,ano ka ba! Sige gisingin ko muna sila para makapag breakfast na tayo lahat"dahilan ko na lamang para makaiwas ako sa tinatanong niya... Agad din akong umalis para hindi na magtanong pa muli si khian..
Umakyat ako sa kwarto namin para gisingin si jared, nakita kong masarap parin ang tulog nito.. Umupo ako sa kama sa tabi niya,nakatagilid itong matulog kaya naman niyakap ko ito mula sa likod.
"Jared,, wake up, mag breakfast na tayo" bulong ko sa tenga nito.
"Hmmm" Napakamot na lang ako sa ulo ko, mukhang mahirap gisingin ito. Akmang tatayo na ako ng biglang akong yakapin nito, ngayon ay nakahiga na rin ako at magkaharap kami habang yakap niya ako.
"Jared,gising ka na.. Sabi mo maaga tayong aalis , gigisingin ko pa sila maggie." Sabi ko muli,pero nanatiling nakapikit pa rin ito, ngayon ko lang pala napagmasdan ang mukha niya ng matagal, ang tangos ng ilong, ang pula ng labi, at haba ng pilikmata, parang anghel kung matulog..
"Staring is rude sweety..," nakapikit na sabi nito,at nakangiti.
"Gising ka na pala eh,kainis ka" sabi ko dito sabay hampas sa ng mahina sa braso niya.
"Haha,nagising ako,dahil naramdaman kong nakatitig ka sa mukha ko" pang aasar na sabi nito,nakatingin na ito sa mata ko, at bigla akong hinalikan sa labi. Sinimangutan ko ito dahil sa paghalik niya.
"Morning kiss!!" Nakangiting sabi nito,kaya natawa na lang ako.
"Bangon ka na,gigising ko na rin sila maggie, nakaready na yung breakfast, kayo na lang po inaantay." Sabi ko naman,at tumayo na ako,tumayo na rin si jared, at muli akong niyakap,kaya naman niyakap ko rin ito, hinalikan ako nito sa noo at pumasok na sa banyo.
Lumabas na ako sa kwarto namin,at pumunta sa room kung saan natutulog sila bessy, kakatok sana ako ng maalala kong sabi ni maggie na hindi na niya ilalock yung pinto,kaya naman pumasok na ako sa loob.
"Maggie, Analyn! Gumising na kayo at mag breakfast na tayo, lalamig na yung hinanda kong pagkain" sabi ko at lumundag sa kama para magising sila, agad nagising si analyn at napaupo sa kama.
"Five minites bessy" mahinang sabi ni maggie,kaya naman dinaganan ko ito.
"Waahhh!!! Bessy naman, masakit,, tatayo na ako please,ang bigat mo" natatawang sabi nito,.
" tss,maghilamos na kayo,sa baba ko na lang kayo aantahin ok." Sabi ko sa dalawa at umalis sa pagkakadagan kay maggie,
"Fine,ito na po tatayo na mam," sabi ni maggie habang kusot kusot ang mata.bumangon na ito at sabay na silang pumasok sa banyo ni analyn.
"Bilisan niyo ah" sabi ko naman ng tuluyan na silang pumasok sa banyo.
Ako naman ay lumabas na sa room nila,para sila trev at blake naman ang gisingin ko, sakto paglabas ko ay nasalubong ko si blake na mukhang nakaligo na.
"Si trev gising na?" Tanong ko.
"Yup, naliligo na,mauna na daw tayong mag breakfast sabi niya" sagot naman ni blake. "Ah,ganon ba, tara kain na tayo sa baba" yaya ko na lang at sabay na kaming pumunta sa dining room.
Pagdating namin doon,ay nakaupo si jared at si khian. Agad akong pinaghila ni jared ng upuan sa tabi niya. Maya maya ay bumaba na rin sila annalyn at bessy.
"Saan si kumag?" Sabay kaming lahat tumingin kay maggie ng magtanong ito.
"Makatingin kayo dyan?? Masama magtanong?"
"Wala naman!!!" Nakangiting sagot ko. Agad naman akong sinimangutan nito kaya natawa si blake.
"Kumain na tayo kung ano ano napapansin niyo!!," nakasimangot pa rin sabi ni maggie..
"Napaghahalataan ka cous,hahaha!" Pigil tawang sabi ni blake.
"Kumain ka lang blake kung ayaw mong ibulgar ko yang nararamdaman mo!" nakangising sabi ni maggie na ikinasimangot ni blake.
"Sabihin mo!" pagyayabang ni blake.
"Guys kumain na lang kayo,ok!! Tama na asaran.. " nakangiti kong sabi.
Sa wakas natahimik na rin sila at kumain na lang. Maya maya bumaba na rin si trev at umupo sa tabi ni maggie. Napansin kong namula ang bestfriend ko pero nanatili itong kumakain. Natawa na lang ako sa isip ko dahil ngayon ko lang muli nakita ulit si maggie na mamula ang pisngi sa isang lalaki. I know magiie so well,kauya alam kong may gusto siya kay trev kahit di niya aminin sa akin.
"Trev matanong ko lang may girlfriend ka na ba ? or ka fling ?" nakangiting tanong ko dito. agad naman itong napatingin sa akin. lahat kami ay nakatingin kay trev lalo na si maggie na halatang nag aantay ng sagot nito.
"ehhemm. wala bakit mo natanong? may irereto ka ba sa akin? choosy ako gusto ko maganda at sexy.. hahaha joke lang!!" sagot naman agad nito sa akin, napatingin ako kay maggie na halatang nakangiti dahil sa sagot ni trev.
"Maraming ka fling yan wag ka magtitiwala sa sagot niyan" natawang salita ni jared.
Lahat kami ay natawa sa sinabi ni jared pwera kay trev na napakamot nalang sa ulo nito.Nagpatuloy ang lahat sa pagkain at pagkwentuhan. Si maggie at trev ay walang sawa sa asaran at kami naman ay panay tawa lang sa dalawa na may biglang dumating na bisita si jared.Lahat kami ay napatingin sa bagong dating at agad napakunot ang noo ko sa bagong dating na bisita....
BINABASA MO ANG
My Love For You.....
RomanceAno kaya ang gagawin ni Anne kapag nalaman niya ang totoong pagkatao niya.. Matatanggap niya kaya agad ito..