MLFY 21

229 11 1
                                    

SHAMIE'S POV

maaga akong gumising para magluto ng breakfast. Nagshower na muna ako pagtapos ay bumaba na para pumunta sa kusina, nakita ko si manang fe na nag aayos sa kusina. Pinakilala na siya sa akin nila mommy. Matagal na daw itong naninilbihan at ito rin ang nagalaga sa akin nung bata pa ko. Nakakalungkot lang na hindi ko pa rin maalala yung mga taong naging mahalaga sa akin noon.

"Manang, pwede po bang ako na maghahanda ng breakfast ngayon?" Sabi ko dito pagkalapit sa kusina. Ngumiti namannitobsa akin. "Sige ba iha. Gusto mo tulungan kita?" Tumango naman ako bilang sagot. Agad naglabas si manang fe ng lulutuing almusal.

"Nagkaroon na ulit ng saya ang bahay na ito,simula ng nakabalik ka na. Natutuwa ako na naririnig ko na ulit tumawa si ma'am shan at sir robert" tumingin naman ako dito at nakangiti siya habang nagsasalita.

"Mabait po talaga si lord manang. Ibinalik niya ako sa pamilya ko. Nakakalungkot lang dahil hindi ko pa rin maalala lahat," nagsimula na kaming magluto ng pagkain. Sabi ni manang si daddy daw ay coffee daw agad ang hanap. Gusto din daw ni mommy at daddy na fried rice ang kainin sa umaga. Ako na ang nagluto,bacon,egg,hotdog,ham,friedrice,nagtoast din ako ng bread at nagtimpla ng juice. Iniwan muna ako ni manang dahil may gagawin daw siya saglit.

Matapos magluto ay hinanda ko na at mga plate sa table. Nilagay ko na rin ang niluto kong breakfast. Nagulat ako ng may yumakap sa akin mula sa likod. Alam kong si jared ito kaya hinayaan ko na lang.

"I can't wait na ipaghahanda mo rin ako ng breakfast,lunch and dinner sa bahay natin" hinarap ko naman si jared ng hindi naaalis ang yakap nito sa akin. "Dont worry! Ilang months lang naman ang hiniling ni mommy na dito muna ako" hinalikan ako nito sa labi. Nakaramdam ako ng kilig ng ginawa niya yun. Ang sarap pala sa feeling ng ganito.tumugon naman ako sa bawat halik ni jared.

"Ehemm" agad kaming natigil sa paghahalikan ng marinig namin ang pag ubo sa likod namin. Nanlaki ang mata ko ng makita si daddy na nakakunot ang noo at sa tabi nito ay si mommy na ang lapad ng ngiti sa amin.

"Mommy,daddy!! Kanina pa kayo diyan?" Tanong ko sa mga ito. "Yeah!! And we saw you two kissing !! " humagikgik naman si mommy sa sinabi ni daddy. Nakita ko namang palihim na ngumiti si jared.

"Daddy talaga!" Nagpout naman ako sa kanila at napangiti si daddy sa akin. "Mukhang hindi na makapag pigil ang son in law ko" sabi ni daddy kaya lalong tumawa si mommy, tinignan ko naman si jared na mukhang nahiya sa sinabi ni daddy. "daddy!!" Natawa naman sila ni mommy. "Tara na nga kain na tayo ng breakfast" pag aya ko. Sabay sabay naman kaming pumunta sa table at nagsimulang kumain.

"Dapat siguro hayaan na natin si shamie na iuwi na siya sa bahay ni jared" napatingin kami parehas ni jared sa sinabi ni mommy. "Are you sure honey?" Tanong ni daddy kay mommy. Tumango naman si mommy bilang sagot. "What do you think baby?" Tumingin naman si mommy sa akin na nakangiti. "Akala ko gusto niyo na dito muna ako?" Tanong ko sa kanila.

"baby gusto ko sana na dito ka muna, pero nang makita namin kayo kanina ay naisip ko na,Dapat siguro bigyan niyo na kami ng apo dahil tumatanda na rin kami ng daddy mo" nasamid naman si jared kaya agad kong inabot ang basong may tubig dito.

"Mawawala rin kami ng isang buwan. Pupunta kami ng mommy mo sa paris para asikasuhin yung other business natin doon" singit naman ni daddy.

"Im sure jared will take care of you, right jared?" Ngumiti naman si jared kay mommy at tumango.

"Ofcourse dad,i will always take care of your daughter" nakangitingbsabi ni jared.

"Dadalasan ko na lang po ang pagpunta dito mommy" Tinignan ko naman si jared na halatang masaya.

My Love For You.....Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon