MLFY 22

223 12 3
                                    

SHAMIE'S POV

Kasabay namin si trev sa kotse ngayon ni jared, sa bahay daw namin ni jared ito matutulog kaya hindi na siya nagdala ng kotse. Panay pa rin ang tawa ni trev kaya naiiling iling na lang si jared habang nag dadrive. Bago kasi kami umalis ay hindi niya tigilan si maggie kakaasar kaya ayun sumabog sa inis si maggie at pinaghahampas niya si trev sa braso.

"Bakit ba trip mo asarin ang kaibigan ko huh?" Tumigil naman si trev sa pagtawa at tumingin sa akin.

"Wala lang. Nakakatuwa lang kasi siya asarin. Tsaka hindi ko pa nakakalimutan yung ginawa niya sa akin sa mall" ako naman ang tumawa ng sabihin iyon ni trev. Naaalala ko na galit na galit si maggie nung time na yun.    "Pagbintangan mo ba namang magnanakaw eh" sabi ko na lang na natatawa,kahit si jared ay natatawa rin.   "Mga brutal talaga kayong mga babae" naiiling iling na sabi nito.   "Mukha ka kasing punching bag" pang aasar ni jared na mas lalong ikinatawa ko. Sumimangot naman si trev at nanahimik na lang. Asar talo kay jared.

"Jared" tawag ni trev kay jared.   "What?" Tanong ni jared dito habang nakatingin sa daan.   "Naalala ko lang yung sinabi ni khian nung isang gabi sa akin" sabi ni trev dito.   "Ano yun?" Tanong muli ni jared. Tumingin naman ako kay trev sa backseat dahil na curious din ako sa sasabihin nito.   "Sabi niya hindi naman daw sila ni anabelle,at lalong hindi sila nagkita o nagkasama sa canada" napansin kong tumingin sa akin si jared.   "Sino si anabelle?" Tanongnko sa kanila,hindi sumagot jared kaya lumingon ako kay.   "Si anabelle,yung ex bestfrien-...." Hindi na natuloy ni trev ang sasabihin ng hininto ni jared ang kotse.  

"Trev hindi naman kailangan pag usapan ang taong wala naman dito" seryosong sabi ni jared kay trev. Tumingin ako kaynjared na nagtataka.  "Ok!' Tipid na sagot naman ni trev,pinaandar muli nin ared ang sasakyan,at hindi na muling nagsalita sintrev. Kahit gusto kong malaman kung sino si anabelle ay hindi na lang din ulit ako nagtanong.

"Trev, kailan pala ang exact date nang swimming natin para masabi ko agad kina maggie at blake,isasama ko rin yung isang friend ko" basag ko sa katahimikan.     "Tuesday,sa palawan tayo. May bahay dun ang asawa mo. Wala ng problema sa lahat, naayos na ni jared" tumingin naman ako kay jared na tahimik lang na nagdadrive,lumingon ito sa akin at ngumiti.    "Ilang araw tayo doon?" Tanong ko kay jared.    "3 days,or 1 week kung gusto niyo magtagal doon. Marami tayong pwedeng pasyalan doon" ngayon pa lang ay excited na ako. Siguradong mag eenjoy kami ni maggie doon, balak ko ding isama si analyn, sana lang ay sumama ito.  

"Excited na ako. Siguradong maraming maganda dun" sabi naman ni trev kaya napangiti na lang ako. Babaero nga ito gaya ng sabi ni jared.

Pumasok ang sasakyan ni jared sa isang subdivision.  Ang lalaki ng bahay dito at ang lalayo ng pagitan ng mga bahay.  Inihinto ni jared ang kotse ng nasa tapat na kami ng isang malaking gate. May kinuha si jared sa bulsa na maliit na remote at pinindot ito,kaya bumukas ang gate at pinasok ni jared ang kotse sa loob.

Dito ba kami nakatira? hindi ko kasi maalala itong bahay. Pinagbuksan ako ni jared ng pinto ng kotse kaya lumabas na ako. Si trev naman ay dire-diretsong pumasok sa mansion. Nilibot ko ang tingin ko at namangha ako ng sobra. Malaki ang bahay namin kina mommy pero mas doble ang laki nito. Napansin ata ni jared na nakatayo pa rin ako dito sa labas ng mansion kaya naman hinawakan nito ang kamay ko at hinila papunta sa loob.

"Dito ba tayo nakatira? Bakit hindi ko maalala itong bahay" tanong ko habang nililibot ang paningin ko.   "Yes,this house is a gift from your parents and my dad" nakangiting sabi nito.    "Ang hirap ng hindi mo maalala lahat, pakiramdam ko para akong bata na kailangan magtanong para malaman ang sagot" sabi ko naman,niyakap ako ni jared kaya napangiti na lang ako.   "Ang importante ay naalala mo na kami. Darating ang panahon na lahat ng nawala sa memorya mo ay unti unting babalik, let's just wait ok?" Tumango naman ako dito at hinalikan ako jito sa labi.  

"Wag nga kayo masyadong p.d.a." biglangnsingit ni trev kaya natawa kami ni jared.    "Inggit ka lang" sabi ko dito sabay dila. Kumamot naman ito sa ulo niya at naupo sa sofa, naupo naman din kami ni jared.

"Masaya akong makita na magkasama na kayo. Akala ko noon wala ng pag asang mahanap ka pa shamie, na kung mahanap ka man baka patay na. " seryosong sabi ni trev sa amin.   "Marunong ka palang magseryoso trev?" Pang aasar ko dito.

"Minsan lang ako magseryoso. Sige akyat na ako sa guest room, kailangan ko ng matulog at baka magalit si daddy kapag late ako pumasok sa office" tumayo na ito at umakyak,naiwan kami ni jared dito sa sala.

"Gusto mo na ba matulog?" Tanong nito sa akin na nakangiti. Bakit ba ang gwapo nito lalo na pag nakangiti.    "Hindi pa naman ako antok" sabi ko.

"Ahmmm,jared magkatabi ba tayong matulog dati?" Nahihiyang tanong ko muli. Napaisip naman ako bigla. Kung tabi kami natutulog,Iilang memories lang ang naaalala ko about sa amin ni jared. Ano kayang feeling na katabi ang isang jared del valle. May nangyari na kaya sa ami noon?

"We shared in one room,we shared in one bed shamie." Nakangiti ito sa akin,kaya naman nag iwas ako ng tingin dito,nahihiya ako.    "Dont think too much sweety, wala pa,kung yun ang iniisip mo" pakiramdam ko namula ang pisngi ko dahil sa sinabi nito. Mind reading ba siya?napayuko na lang ako dahil sa hiya    "Im not a mind reader. Halata lang sa mukha mo" inangat nito ang mukha kong nakayuko,kaya nagtama ang mata namin. Mabilis akong hinalikan nito sa labi,   "let's go upstair" sabi nito pagkatapos akong halikan. Tumayo ito kaya naman napatayo rin ako. Magkahawak kami ng kamay habang paakyat sa kwarto namin.

Huminto kami sa isang malaking pinto. Ito na siguro yung kwarto namin. Pagbukas ni jared ng pinto at laglag ang panga ko ng makita ang loob. Pumasok kami sa loob. "Ang ganda" nasabi ko na lang habang nililibot ang panginin sa kwarto. Ang laki nito,kasya ata ang sampung tao. May malaking kama sa gitna,may walk in closet,hindi ko alam kung paano ko ididescribe. Napansing ko ang isang malaking picture frame,kuha namin ni jared nung kasal. Parehas kaming masayang nakangiti dito. Nagulat ako ng yumakap si jared mula sa.likod ko.

Humarap ako dito kaya naman nagtama ang mata namin,unti unting lumapit ang mukha nito sa akin at kusang pumikit ang mata ko,naramdaman ko ang paglapat ng labi nito sa labi ko. Tinugon ko ang bawat paggalaw ng labi nito. Naramdaman kong unti unting bumaba ang labi nito sa aking leeg.

"Jared" kusang lumabas sa bibig ko ang pangalan niya ng buhatin ako nito,kusang pumulupot ang legs ko sa bewang nito. Patuloy ito sa paghalik sa leeg ko kaya hindi ko namalayang naihiga niya na ako sa kama.bumalik ito sa paghalik sa aking labi, maya maya ay naramdaman ko ang pagpasok ng kamay nito sa loob ng aking damit.

*ring*ring*

"Jared yung phone-....oooohhhh!!!" Hindi ko na napigilan ang pag ungol ng haplusin nito ang aking dibdib.

*ring*ring*ring*ring*

"Jared" napatigil ito ng hindi pa rin tumitigil sa pagrig ang phone nito,agad itong tumayo at kinuha sa ibabaw ng bedside table ang phone nito at sinagot. Agad naman akong bumango at inayos ang sarili ko.

"Mom!! Yes were here...  Kausapin niyo po ba?" Tumingin si jared sa akin,sigurado si mommy yung tumawag.    "Ok po, goodnight mom" sabi nito at binalik ang phone sa ibabaw ng table. Tumabi naman ito sa akin sa kama.

"Si mommy yung tumawag? Anong sabi?" Tanongnko agad dito.   "Tinanong lang kung nakauwi na tayo" akala siguro ni mommy ay nasa bahay pa kami ni mama lori.  "Tulog na tayo? Inaantok na ako" sabi ko dito kaya tumingin naman ito sa akin. Sa totoo lang kinabahan ako kanina,   "you dont want to continue our honeymoon?" Nakangising tanong nito. Hinampas ko ito ng mahina sa braso kaya napatawa naman ito. Lumapit naman ang mukha nito sa tenga ko at bumulong.

"Nabitin ako" pakiramdam ko ay pinamulahan ako ng mukha sa binulong nito kaya muli ko itong hinampas sa braso.tumawa naman ito lalo.    "Pilyo ka rin pala!!" Sabi ko dito kaya tumigil ito sa pagtawa.   "Sayo lang naman" sabi nito at niyakap ako ng mahigpit, hinalikan nanaman ako nito pero saglit lang.

"Let's sleep" tumango naman ako dito at pumikit.

"I love you sweety, dream of me" sabi nito at naramdaman ko ang paghalik nito sa noo ko.dumilat naman ako at tinignan ito sa mata. Magkaharap kami at parehas na nakayakap sa isat isa.

"I love too jared and yes i will dream of you" sagot ko dito at binigyan siya ng mabilis na halik sa labi,napangiti naman ito sa ginawa ko. Pumikit akong muli at hinayaan ang sarili kong makatulog habang magkayakap kami.

My Love For You.....Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon