MLFY 4 (PART 1)

388 18 3
                                    

MAGGIE'S POV

Nagising ako sa liwanag na nagmumula sa bintana ng kwarto ni best,nakaramdam ako ng uhaw kaya naman naisipan kong bumangon na at bumaba para uminom ng tubig sa kusina...nakita ko si tita lori na naghahanda ng almusal sa lamesa,napatingin ako sa wall clock na nakasabit sa dingding ng bahay nila.8:00 na nandito pa rin si tita.

"Goodmorning tita "masigla kong bati dito. "hindi po kayo nagpunta sa palengke?"tanong ko pagkalapit sa kanya..

"Oh!maggie, halika dito at mag almusal ka na"nakangiting yaya ni tita sa akin!! "Hindi ako tumuloy sa palengke dahil biglang sumakit ang ulo ko." muli nitong sabi..

"Naku po! tita,nakainom na po ba kayo ng gamot?" nag aalalang tanong ko,para na rin nanay ang turing ko kay tita lori,mabait kasi ito..

"Oo nakainom na ako kanina lang,umupo ka na dito at kumain ka na." umupo na ako at nilagyan ng friedrice ang aking pinggan..

"Tita bukod po ba sa akin ay may kaibigan pa ba si best noon?nung panahon na hindi pa siya naaaksidente." tanong ko kay tita lori..

"bakit mo naman biglang natanong?hindi naman siya palalabas noon at wala akong natatandaan na kaibigan niya na dinala dito sa bahay" sagot sa akin ni tita...

"Ganoon po ba? nakwento po sa akin ni best na may isang lalaki daw na nakabanggaan niya at tinawag siya sa ibang pangalan." sabi ko naman kay tita.. "Natulala nga daw ito pagkakita sa kanya"patuloy kong sabi..

"ba-- baka naman napagkamalan lamang siya nung tao" nauutal na sabi naman ni tita..

"Siguro nga poh!! tita baka naman may naging boyfriend si best na hindi niya nasabi sayo noon bago siya mawalan ng alaala?"muli kong tanong kay tita. "Sa tingin ko po tita ay dapat ikonsulta niyo sa doctor si best para matulungan siya na mabalik ang memory niya. Nahihirapan na rin po kasi siya,marami siyang tanong na gusto niyang masagot."napatigil si tita sa sinabi ko..nagulat ako sa malakas na paglapag niya ng pinggang hawak niya..

"May mga bagay na hindi mo na dapat panghimasukan maggie,ipagpatuloy mo na ang pagkain mo at gigisingin ko na si anne para may kasabay kang mag almusal." seryoso at mukhang galit na sabi ni tita,tinignan ko na lamang siya na umakyat na sa itaas..

nakakapagtaka at naging ganon ang reaksyon ni tita..wala namang masama sa sinabi ko..gusto ko lang tulungan si best dahil nakikita ko na gusto na niya maalala ang lahat ng nakaraan niya..hindi kaya may nililihim si tita lori?tanong ko sa aking sarili..


  -----



ANNE'S POV

"ANNNEEE!!!gumising ka na diyan" rinig kong sigaw ni mama sa labas ng kwarto..tumagilid ako sa pagkakahiga ng mapansin kong wala na si maggie sa tabi ko,ang aga naman magising nun?bumangon na ako at nagtungo sa banyo upang maghilamos at magmumog..pagtapos ay bumaba na ako at dumiretso sa kusina.nakita ko si best na kumakain na..agad ko itong nilapitan,

"Morning best!!ang aga mo naman nagising!" masiglang bati ko kay maggie..nakita kong ngumiti lamang ito sa akin..bakit parang bad mood ata si best?sa isip ko.

"Halika na kanina pa ako dito sabayan mo na ako kumain..maaga tayong magpunta ng mall para mahaba ang oras natin na makapamasyal." sabi ni best..parang kakaiba talaga siya ngayon..may problema kaya siya? yaan na nga siguro ay inaantok lang si best..

Natapos kami kumain at nagdesisyon na maligo na,dito na din siya nagshower,lagi namang siyang may baong damit sa tuwing naiisipan niyang dito matulog,ng ready na kami ay lumabas na kami ng bahay..pagkalabas namin ay may napansin akong nakapark na kotse sa harap ng bahay namin at may lalaking nakasandal sa dito,hindi ko mamukhaan yung lalaki..nagulat ako sa biglang pagsigaw ni best!"

My Love For You.....Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon