MLFY 17

295 11 0
                                    

ANNE/SHAMIE'S POV

Tahimik lang ako sa sasakyan. Ang dami kong iniisip, halo halo ang nararamdaman ko. Sama ng loob sa taong akala ko ay totoo kong ina.

"So, hindi mo pa ako naaalala kung ganon?"napatigil ako sa pag iisip ng magsalita itong na sa tabi ko. " yes, sorry si jared at sila mommy lang ang naalala ko? Ngumiti naman ito sa akin. "Trev nga pala !! Cousin ni jared." Pakilala nito sa akin.. tumango naman ako dito.

"Where here."muling salita nito.agad naman akong bumaba at sumunod sa akin si trev. Bukas ang pinto ng bahay kaya dire-diretso ako papasok sa loob. Naabutan kong nag aayos ng gamit si mama at paula, nasa loob din si best na halatang malungkot. Mukhang hindi niya nakumbinsinito na wag umalis. Napalingon sila lahat sa akin. Tumayo naman si mama at niyakap ako..

"Ano nangyari sayo anak? Bakit namamaga ang mata mo?" Inalis ko ang pagkakayakap niya sa akin at tinignana soya ng masama. Nagulat ito sa inasal ko,pero wala na ako pakialam. All this time kasinungalingan lang ang lahat ng sinabi niya. Hindi ako makapaniwala.

"Anak?hindi mo na ako maloloko pa!! Ilang taon mo kong pinaniwala na ikaw ang mama ko. Nagising ako sa ospital ng walang maalala kaya sinamantala mo yun!! Bakit? Anong nagawa kong kasalanan sa inyo para ilayo niyo ko sa totoong pamilya ko?" Tumulo na ang luha ko sa sobrang emosyong nararamdaman ko. Lumapit si best sa akin at pinakalma ako. Hindi ko siya pinansin at tinitigan ko yung taong manloloko.

"Anak, magpapaliwanag ako. Patawarin mo kami." Umiiyak ito sa harap ko at pilit na inaabot ang kamay ko. Napalingon naman ako ng may nahsalita sa likod ko. Sumunod pala sila jared sa amin kasama ang magulang ko. Nagulat ako ng may kasama itong mga pulis.

"Arrest that woman!!" Turo nito kay mama sa mga pulis. Nanlaki ang mata ko dahil sa narinig. Oo galit ako sa kanila. Pero hindi ko naman gustong umabot sa ganito. Tumakbo si paula palapit kay mama lori at pilit pinapaalis ang mga pulis na gustong kunin ito.

"Wait!! Wag niyo siya hulihin"awat ko sa mga pulis.tumingin naman si jared sa akin pati na rin sila mommy shana. " gusto ko muna marinig ang paliwanag niya"sumenyas naman si jared sa mga pulis na umalis na muna ito.lumapit sa akin si mommy at daddy. Sobrang saya ko na nakasama ko ulit sila. Iyak lang ako ng iyak.. " hindi ko akalain aabot sa ganito ang galit ni frederick sa amin, pero hindi naman dapat buhay ng anak ko ang sinira niyo!! Galit na tumingin si daddy kay mama lori. Iyak lang ito ng iyak habang yakap ni paula. " hayaan niyo po ako magpaliwanag sa inyo. Nakikiusap ako. Parang awa niyo na" sabi nito habang umiiyak.gusto ko rin marinig ang lahat.ang lahat ng totoo.

LORI'S POV

Alam kong darating ang panahon na malalaman ni shamie ang totoo. Alam kong malaki ang kasalanan ko sa kanya at sa pamilya niya..

(Flashback)

Nasa bagyo kami ni kuya fred at paula. Bata pa si paula pero alam na niya ang ngyayari.Umuwi kami dito dahil natanggal si kuya sa trabaho niya. Napagbintangan nagnakaw sa company kung saan siya nagtatrabaho. Simula ng mangyari yun ay hindi na masyadong makausap si kuya. Palagi itong malungkot. Mahal na mahal niya ang trabaho niya, at alam kong inosente siya. Nakita kong lumabas ito kaya sinundan ko siya. Depress siya ngayon kaya palagi akong nakabantay sa kanya.

"Kuya!" Tawag ko dito. Lumingon naman ito sa akin.
"Mag lalakad lakad lang ako" sabi nito at nagpatuloy sa paglalakad. "Mag sisimula tayo ulit doto kuya. May awa ang diyos, manalig ka lang sa kanya, darating ang araw na malilinis ang pangalan mo" kahit ako ay nalulungkot sa ngyari. Kailangan ni kuya ng suporta ko. Kaming dalawa na lang ang magkasam sa buhay. Iniwan ako ng asawa ko dahil hindi ako mag kaanak. Si paula ay napulot lamang ni kuya.

My Love For You.....Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon