MLFY 14

362 10 1
                                    

ANNE /SHAMIE'S POV

nakatayo pa rin ako hanggang ngayon sa labas ng bahay namin,ang lakas pa rin ng tibok ng puso ko,

"niyakap niya ako,niyakap nanaman niya ako. sir jared ano ba itong ginawa mo sakin!! nababaliw na ata ako."bulong ko sa aking sarili.napatigil lang ako sa pagiisip kay sir jared nang tumunog ang cp ko.kinuha ko ito sa bulsa at binasa ang message. napakunot naman ang noo ko.

*1 message receive*

jet'aime shamie :-*

jared

"aisssttt.. ano ba namang klaseng text ito?"bulong ko, saan naman kaya niya nakuha yung no.ko?..hindi naman ako si shamie eh, ang hilig talagang pag isipin ako ng lalaking yun.napakamot na lang ako sa ulo ko at binalik sa bulsa ang cp ko..

"best anong binubulong mo diyan?" napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat ng biglang sumulpot si best sa harap ko at nagsalita.

"Bakit ka ba biglang sumusulpot best? Nagulat ako sayo!!"

"Tsk,tsk,tsk!!! Nasa likod mo lang kaya ako kanina pa, hindi mo lang ako napansin dahil occupied yang isip mo. May pabulong bulong ka pa"naiiling na sabi ni best.

"Occupied ka diyan? May naisip lang ako bigla noh!!"pagtatanggol ko sa akin sarili.ngumiti naman ito ng pang asar kaya binatukan ko ito ng mahina.

"Hindi ko gusto yang ngiti mo best!! Alam ko na yang nasa isip mo. Hindi si sir jared ang iniisip ko"

"Hala!!!! Wala naman akong sinabing yung boss mong weird ang iniisip mo. Masyado kang defensive best. Napaghahalata ka, type mo noh ? Aaminin!!" Pang aasar nito at tumawa ng malakas.

"Umayos ka nga!! Nang aasar ka pa diyan eh"hinampas ko naman ito kaya natigil ito sa pagtawa.
"Ang sakit nun best ah! Sadista ka talaga. Pumasok na tayo ipagtanggol mo ko sa mokong na nasa loob, kanina pa ako inaaway dahil pinapasok ko yung boss slash love mo!! Hahaha!!!"natatawang sabi nito. Sinamaan ko naman ito ng tingin kaya agad itong tumigil sa pagtawa, sabay peace sign.

"Makuha ka sa tingin best!!"kunwaring pananakot ko dito.nagpout naman ito at umangkla sa akin.
"Ito naman di na mabiro!!hihihih, pero alam mo kahit cou'z ko si blake ,parang mas may chemistry kayo nung weird mong boss"

"Baliw!!! Tara na nga"at hinila ko na si best papasok, naabutan naman namin si blake na nakaupo sa sofa nakaharap sa t.v at nakabusangot ang mukha.sumenyas naman sa akin si best na aakyat muna siya sa taas.if i know umiiwas lang siya lay blake dahil baka awayin nanaman siya.

"Hoy!!blake anong mukha yan?hindi bagay sayo"natatawang sabi ko.lumingon naman ito sa akin pero nakbusangot pa rin ang itsura niya.

"Nanliligaw na ba sayo yung lalaking yun?"seryosong tanong nito.pero kung titignan mo ang itsura nito at para itong batang nagmamaktol dahil hindi nasunod yung gusto niya.

"Hindi noh!! Bakit naman manliligaw sa akin yun? Gwapo yun,mayaman. Hindi ang tipo kong babae ang type nun.mabait lang talaga si sir!"paliwanag ko naman.humarap naman ito sa akin at tinitigan ako sa mata.

"Gusto mo ba siya anne?"muli nitong tanong. Gusto ko nga ba siya?ano ba ang nararamdaman ko para kay jared?pag nandiyan siya,bumibilis tibok ng puso ko. Palagi ko rin siya naiisip.

"Anne?gusto mo ba siya?"umiwas naman ako ng tingin sa kanya.hindi ko alam ang sasabihin ko.ayokong masaktan si blake.pero ayoko din umasa siya.

"Hin- hindi ko siya gusto blake"pakiramdam ko napakasinungaling kong tao.hindi ko man confirm sa sarili ko,alam ko na nagkakagusto na ako kay jared.

"Ako anne? Ano ako sayo? Alsmm kong alam mo kung ano ang nararamdaan ko sayo, dinadaan ko sa biro , pero totoo lahat yun. Gusto kita. MAhal na nga kita eh."alam ko naman yung nararamdan niya sa akin.pero hindi ko alam na darating yung time na kakausapin niya ako ng ganito.

"Blake alam mo namang..."hindi ko natapos yung sasabihin ko ng tumabi ito sa upuan ko at hawakan ang dalawang kamay ko.
"Please Anne!! Bigyan mo ko ng isang chance. A chance to prove how much i love you. Subukan mo. Baka sakaling magustuhan mo rin ako. Please isang chance lang . Pag wala talaga tatanggapin ko na hanggang magkaibigan lang tayo"seryong pakiusap nito.tumango na lang ako bilang sagot.hindi ko kayang makita si blake na ganito.

Niyakap naman ako nito ng mahigpit "Im sorry blake.ayokong masaktan ka.hindi ko alam kung magagawa ko bang magustuhan ka.mabuti kang tao pero sa tingin ko gusto ko na si jared"salita ko sa akin isip.umalis naman ito sa pagyakap makikita dito na masayang masaya siya.ngumiti naman ako sa kanya.hindi ko alam kung tama ba ang desisyon ko na bigyan ka siya ng chance.

"Best nakakaboring naman dito" napatingin kami blale kay maggie ng magsalita ito habang pababa ng hagdan.

"Eh di magbigti ka,problema ba yun!!" Sumimangot naman si best sa sinabi ni blake at natawa ako ng sobra ng pinaghahampas ito ni best ng maliit na unan.hindi ko napansin na nakuha niya ito sa isang upuan namin.gumanti naman si blake dito.

"Tumigil na nga kayong dalawa diyan baka magkasakitan na kayo"saway ko sa mga ito. Para talaga silang mga bata.

Lumipas ang oras na wala kaming ibang ginawa nila best kundi mag movie marathon. Tumigil lang kami sa pagnuod ng mapansin naming hindi pa pala kami nagdidinner. Hindi pa din dumarating sila mama.siguro ay mamaya pa sila makakauwi dito.

Nang matapos kaming magdinner ay nagpatuloy kami sa panunood ng movie, nakailang palabas na kami kanina,pero hindi pa rin sila nagsasawang manuod. Buti na lang at marami akong bagong dvd. Hindi na rin natapos yung isang movie dahil nagyaya na akong matulog na kami ni best. Bukas na ang party at wala kaming pasok lahat. Sayang ang kita ng restaurant. Natulog na rin ako, dahil ayokong magmukhang haggard bukas.

My Love For You.....Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon