MLFY 5

285 17 2
                                    

MAGGIE'S POV

Shit!!! salita ko sa aking isip..nandito kami sa kotse ngayon at dadalhin namin si best sa malapit na ospital.. kinakabahan ako para kay best ngayon lang nangyari na sumakit ang ulo niya ng sobra..hindi mawala sa isip ko yung nangyari sa mall kanina..sino ba yung lalaki yun? bakit niya sinasabing asawa niya si best.. 

"kilala mo ba yung lalaking yun maggie?tanong ni blake habang nakatingin sa daan..

"ok ka lang?si best nga hindi kilala!!ako pa kaya?sabi ko naman kay blake..sobrang naguguluhan ako sa nangyari..walang maalala si best sa nakaraan niya kaya posibleng magkakilala sila.. nakarating kami sa ospital at binuhat agad ni blake si best para dalhin sa loob..pagkapasok namin ay may lumapit agad na nurse at inilagay si best sa stretcher..nag antay muna kami sa labas..

"badtrip!!rinig kong sabi ni blake... "ano kayang nangyari kay anne?sino ba yung yung lalaking yun?muli nitong sabi,tahimik na lamang ako habang nag aantay sa paglabas ng doctor..napatayo ako sa pagkakaupo ng lumabas ang doctor..

"where's the patients family?tanong ng doctor sa amin pakalabas nito sa pinto..    "kaibigan po ako ng patient doc!! kamusta na po siya?tanong ko dito..

"ok na ang pasyente... kailangan niyo na lang antayin yung result ng laboratory at ct scan niya..maari niyo na siya puntahan sa kwarto niya..paggising niya ay pwede na siyang lumabas.."sabi naman ng doctor..

"ahh doc sa pagkakaalam ko kasi naaksindente po ang kaibigan ko dati at ng magising siya ay wala na siyang maalala sa nakaraan niya."sabi ko naman kay doc..

"kung wala siyang maalala ay malamang nagka amnesia ang pasyente..maaring mangyari ito kung nagkaroon ng matinding pagkabagok dahilan para maapektuhan ang utak niya.."pagpapaliwanag ng doctor..si blake naman ay nasa tabi ko lang at nakikinig sa pag uusap namin ni doc..

"maaring sumakit ang ulo niya dahil may naalala siyang isang bagay,tao o pangyayari sa nakaraan niya"muling sabi ng doctor..

"ano po bang dapat gawin sa taong may amnesia?tanong ko ulit sa doctor..

"may mga neurological test para sa taong may amnesia like MRI at CT SCAN,ang tanging maipapayo ko lang ay magpatherapy ang pasyente ng sa ganon ay matulungan siyang sa pag alala sa nawalang memorya niya!you can visit me anytime kapag gusto niyong macheck ko ang pasyente..sige iha mauna na ako at may pasyente pa ako na kailangan tignan"sagot naman ng doctor..kung ganoon ay may pag asa pang bumalik ang memorya ni best..

"sige po doc..maraming salamat po!!!" magalang na sabi ko dito..pagkatapos ng paguusap namin ng doctor ay pumasok na kami sa kwarto ni best....

ANNE'S POV

Nagising ako sa isang lugar na sobrang dilim..wala akong makita...pilit akong naghahanap ng liwanag.. NASAAN AKO?tanong ko sa akin sarili,hanggang sa makarinig ako ng isang boses ng lalaki..

"SHAMIE!!! 

sino ka ? tanong ko dito.. nasaan ba ako bakit wala akong makita... 

"I LIKE YOU, I LIKE SO MUCH!!!  muli ko nanaman narinig ang tinig ng lalaki..parang napaka pamilyar ng boses nito.. 

Napabangon ako bigla sa aking pagkakatulog...panaginip lang pala!!!napatingin ako sa paligid ko,,puti ang nakikita ko.. nasa ospital ata ako.. ang natatandaan ko ay may lumapit sa amin nila best sa mall at hinawakan ang kamay ko..yun din yung lalaking nakabanggaan ko malapit sa trabaho ko..tinawag nanaman niya akong shamie..at sinabing asawa niya ako..pagkatapos nun ay sumakit ang ulo ko at nakarinig ako ng isang tinig ng lalaki.at nawalan na ako ng malay..

sobrang naguguluhan na ako.sino ba yung lalaki na yun?ano yung narinig ko na boses at ano yung ibig sabihin ng panaginip ko?

hindi kaya isang pangyayari yun sa nawalang memorya ko..maaari ring kilala ako ng lalaki kanina..pero bakit shamie ang tawag niya sa akin..ano ba talaga ang nangyayari sa akin..kailangan ko makausap si mama.pero hindi pa sa ngayon,napatigil ako sa pagiisip ng bumukas ang pinto at pumasok si best at blake..tumingin ako sa kanila at nakita ko ang pag aalala sa mukha nilang dalawa..umupo si blake sa upuan sa tabi ng kama ko..si best naman ay lumapit sa akin tinabihan ako sa kama..

"best?kamusta ka na?masakit pa ba ang ulo mo?nagugutom ka ba?tuloy tuloy na tanong nito at hawak ang aking kamay..si blake naman ay tahimik lang na nakaupo..

"ano ka ba best ok na ako..wala na yung sakit ng ulo ko..wag ka na mag alala ok?ngiti kong sabi dito..
"sigurado ka best?baka nagugutom ka bibli muna ako sa baba..sabi ng doctor ay pwede ka ng lumabas pagkagising mo"sabi naman ni best..
"pwede na pala tayong lumabas eh..sa bahay na lang tayo kumain.bili na lang tayo ng food kapag may nadaaman tayo,nasusuka na ako sa amoy ng ospital best"sabi ko naman sa kanya..

"aayusin ko na yung discharge mo..para makalabas ka na at makauwi na tayo agad"sabi naman bigla ni blake at tumayo na para lumabas patungo sa cashier ng ospital..
"best sabi ng doctor ay pwede ka daw itherapy para makatulong na makaalala.ka pa"sabi sa akin best..posible kayang bumalik ang.memorya ko?
"sana.nga best!!sobrang naguguluhan na ako,ang daming katanungan sa isip ko"malungkot na sabi ko.
"wag ka mag alala best.may posibilidad na makaalala ka pa,tiwala lang best"ngiting sabi naman ni best.
"sa ngayon best wag mo muna isipin masyado yung nangyari kanina ok,may tamang panahon diyan best,wag mo pilitin yung sarili mo na makaalala" patuloy ni best,tama hindi ko dapat isipin masyado yung nangyari..
"best wag mo na sana sabihin kay mama yung nangyari nagyon please"pakiusap ko kay best..ngumiti ito sa akin at tumango bilang sagot.napalingon kami parehas sa pinto ng pumasok si blake.
"ok na naayos ko na yung discharge mo..uwi na tayo ng makapag pahinga ka na sa bahay" sabi naman ni blake..ngumiti na lamang ako kay blake at nagpasalamat..

8:40 na ng makauwi kami ng bahay..nagpumilit pa si blake kumain muna kami bago umuwi,hindi na ako nagpahatid hanggang loob ng bahay..

"best magpahinga ka agad ha!! Wag ka na mag isip pa ng kung ano ano ok?" bilin sa akin ni best..
"dadaanan kita dito bukas babes,ihahatid kita sa trabaho mo ok!! Wala ng angal pa" nakangiti ng sabi ni blake.tumango na lamang ako sa kanya bilang sagot.

"thank you sa inyo best,blake"sabi ko at umalis na sila..maswerte ako dahil may kaibigan akong tulad nila..alam ko kung gaano nag alala.si maggie at blake sa akin kahit hindi nila sabihin..

Pumasok na ako ng bahay..wala akong nadatnang tao..siguro ay tulog na si paula at mama..umakyat na ako sa kwarto ko.agad akong humiga sa kama ko..hayysss nakakapagod ang nangyari ngayon araw na to..

My Love For You.....Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon