SHAMIE'S POV
Pagkaalis ni jared ay,nagshower na rin ako,pagkatapos ay nagpunta na ako sa ramen house. Namiss ko na rin si analyn,pagdating ko doon ay binati agad ako ng ilang staff.
"Morning ma'am" napakunot naman ang noo ko dahil hindi ako sanay na tawagin nila akong ma'am.
"Bakit naman may ma'am pa? Shamie na lng kayo talaga, ako pa rin yung anne na katrabaho niyo' sabi ko sa mga ito, " hehe,naku hindi naman pwede yun. Asawa ka ng may ari nitong ramen house tapos ikaw pa ang manager namin" sabi naman ng isa sa mga cook dito na si troy. Napangiti na lang ako sa kanila,
"Hayyyy!! Sige na nga! tawagin niyo akong ma'am pero dito lang sa ramen house,ok?" Lahat naman sila ang nagtanguan,
Nag set up na din sila at nag open ng store,ako naman ay gumawa ng bagong schedule para sa mga staff. Nakafocus lang ako sa laptop ng dumating si analyn. Agad itong lumapit sa akin.
"Ma'am shamie!!!!" Sabi nito na ang lapad ng ngiti.
"Ano ka ba naman. Wag na nga ma'am itawag mo sa akin,hindi talaga ako sanay eh" iling na sabi ko.
"Ito naman,masasanay ka rin. Mamaya magalit pa si papa sir jared kung shamie lang itawag namin sayo" napatingin naman ako kay analyn na nakangiti at parang kinikilig.
"Papa?" Takang tanong ko dito.. "Haha,yaan mo na ako,hanggang pagtawag lang naman ako ng papa sa kanya dahil alam kong pag aari mo na siya" sabi naman nito kaya natawa na lang ako.
"Baliw ka talaga! Nga pala sama ka sa amin sa palawan sa tuesday mag leave ka na,3days or 1 week tayo dun" pag aya ko dito. Agad lumapad ang ngiti nito sa akin at parang nakinanng pa ang mata niya.
"Waaaahhh!!!!" Tili nito..... "Really isasama mo ko? Gora ako diyan teh,hindi ko palalagpasin ang makakita ng pogi sa palawan" masayang masayang sabi nito. Napailing na lang ako dito,talagang poging lalaki ang hanap nito kahit saan lugar.
"Syempre gusto ko kasama ka. Kasama rin si maggie, alam mo namang kayo lang ang friend ko noh" sabi ko naman dito. "Huh?anong kami lang ang friend mo? Wala ka bang ibang friends na iba?naalala mo na kung sino ka diba?" Takang sabi nito,kaya napaisip din ako. "Wala akong maalala kung may kaibigan pa akong iba,tanging si jared pa lang at ang parents ko ang naaalala ko," sabi ko naman,
"Ok lang yan. Nandito naman ako at si maggie na nandiyan para sayo" sabi nito.. "Sige trabaho muna ako,baka sabihin ng iba porket close tayo,puro tsismis na lang gagawin ko" natawa naman ako dito at tumango. Nag asikaso na rin ito ng ibang guest na kumakain. Ako naman ay pinagpatuloy ang pag gawa ng schedule.
Marami na rin ang kumakain,kaya naman naisipang kong mag order take,nakita ko si denice isa sa mga dining staff na papunta sa table 6 para kunin ang order ng bagong dating na costumer.
"Denice ako na diyan,doon ka na sa table 4,mag bibill out na ata sila" sabi ko dito. "Ma'am,sure kayo?hindi niyo na po traba-..."
"Ok lang. Marami ng guest kaya tutulong na ako" hindi na nito natuloy ang sasabihin dahil sa sinabi ko,ngumiti ito at pinuntahan na yung guest sa table 4.
Lumapit naman ako sa lalaking nakaupo."Good day sir!! Can i take your order?" Sabi ko sa lalaki,nang makita ko ang mukha nito ay nagulat ako ng si khian pala ito. "Hi shamie!!" Bati nito sa akin.
"Hi khian, ano order mo?" Tanong ko dito,ngumiti ito sa akin ang binuksan ang menu. "Two black garlic tonkutsu,one order of gyoza and karaage,and ofcourse ice tea" nakatingin sa menu na sabi nito at pagtapos ay tumingin sa akin at ngumiti.parang pang dalawang tao ang order nito.
BINABASA MO ANG
My Love For You.....
RomanceAno kaya ang gagawin ni Anne kapag nalaman niya ang totoong pagkatao niya.. Matatanggap niya kaya agad ito..