Buwan (2021)

0 0 0
                                    

Minamahal kita kagaya ng pagmamahal ko sa buwan.
Minsan buo at kitang-kita, kay sarap pagmasdan, hindi ba?
May pagkakataong hindi buo—may kulang pero kay ganda pa ring paglaanan ng ningning ng mga mata.
At may mga gabi ring hindi mo makikita pero alam mong nariyan lang siya.

Minamahal kita kagaya ng pagmamahal ko sa buwan.
Kahit minsan hindi ka buo...
Kahit minsan hindi kita nakikita...
Kahit minsan hindi kita nakakasama...
At kahit minsan hindi kita nadarama...

Ikaw ang aking buwan...
Ikaw ang nagbibigay liwanag sa aking kadiliman.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 25, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Screams and TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon