Bakit, Ano, at Paano? (2016)

5 1 0
                                    

Minsan mapapatintingin ka na lang sa isang sulok,
Mapapahinga ng pagkalalim-lalim, at
Makapag-iisip ng isang katerbang tanong na alam mong babagabag lamang sa tahimik mo nang mundo.
Bakit? Ano? Paano?
Bakit ganito?
Bakit ganito yung nararamdaman ko?
Bakit ko ba nararamdaman 'to?
Ano.
Anong nangyayari sakin sa oras na 'to?
Ano ba yung problema ko at pinahihirapan ko ang sarili ko?
Paano.
Paano ba ako makakalabas sa lugar na 'to?
Paano ko tutulungan yung sarili kong maging maayos muli at maging masiyahing tao?
Maraming tanong.
Marami ring maaring maging sagot sa mga tanong na "bakit", "ano", at "paano" ko.

Screams and TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon