CLSU (2019)

2 1 0
                                        

Nakakita ako ng apat na litrato na nakapagpaalala sa akin tungkol sa'yo
Apat na litratong nagbalik ng pinakamasaya at pinakamapait na mga ala-ala
Doon ako natutong lumabas sa apat na sulok ng aking sariling mundo
Natutong lumibot at magpaikot-ikot sa iyong mundo
Doon din ako umiyak nang walang humpay sa aking pagkatalo
Di lang dahil di ko nakamit ang inaasam ko, ngunit pakiramdam ko noon ay nabigo ko kayo
Apat na litratong nagbalik ng masasaya at masasakit na ala-ala
CLSU, babalik pa ba ako sa bisig mo?
Magkakaroon pa ba ako ng mga bagong ala-ala kasama mo?

Screams and TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon