Tumingin ka saking mata.
Nakikita mo ba ang sakit ng mga ala-ala?
Nakikita mo ba yung sakit na dala ng mga pangakong binitawan mo
Na hindi mo naman tinupad
At tuluyan mo lamang pinako?
Batid pa ba sa kanya yung kalungkutan
Na dala-dala nya sa mahabang panahon?
'Wag kang mag-alala, babangon ako.
Patuloy akong maglalakad palayo
Sa malungkot na kahapon.
Hindi ako lilingon.
Magpapadala ako sa agos ng buhay.
Hindi ako lilingon
At patuloy kong aayusin ang buhay na minsan ay nasira ng dahil sa pag-ibig na puros kasinungalingan lang pala ang naging pundasyon.
Sa ngayon, 'di ko pa kayang ibigay
Ang kapatawaran na hinihingi mo.
Oras lang ang makakapagsabi
Kung kailan tuluyan maghihilom ang malalalim na mga sugat na gawa mo.
Hindi man ngayon ngunit sa tamang panahon.
Hindi man ngayon ngunit darating din tayo sa oras na matitingnan kita sa mata
Ng walang galit at poot na nakamarka sa puso't isip ko.
Sa pagkakataong 'yon, maibibigay ko na ang hinihiling mong kapatawaran sa kalapastanganang ginawa mo sa kawawang puso ko.
