Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

Pagmamahal (2019)

2 1 0
                                        

"Ano nga ba ang pagmamahal?" tanong ng isang munting tinig sa aking isipan.
Ito ba yung tuwing makikita mo sya at parang kinikiliti ka?
Ito ba yung tuwing dadaan sya ay mapapahugot ka ng hininga?
O ito ba yung kahit na may mahal syang iba ay okay lang basta mahal mo sya?
Minsan kasi nakakalimutan natin ang ibang ibig sabihin ng salitang "pagmamahal".
Ang natatatak lang kasi sa isipan natin ay pagmamahalan ng mga magkasintahan.
Nakakalimutan natin na may iba pang klase nito, na kahit 'di naman masuklian ay hindi ka naman mapapano.
Napaisip ang munting tinig sa aking isipan kasi may mga tao d'yan na mahal ko.
Hindi ko alam kung alam ba nila iyon o ramdam ba nila yun, pero okay lang kahit hindi nila masuklian ang pagmamahal na 'yon.
'Di naman tayo nagmamahal para masuklian, eh.
Nagmamahal tayo dahil gusto nating iparamdam sa ibang tao na, "Uy, nandito lang ako pag kailangan mo ako, ha?"
"Uy, kausapin mo lang ako pag mabigat ang iyong kalooban, ha?"
"Uy, lapitan mo lang ako kapag ikaw ay nahihirapan, ha?"
At "Uy, mahal ko kayo kahit may mas mahal kayo."
Kasi ang pagmamahal, malaya...
Malaya tayong pumili kung ipagpapatuloy pa natin yung pagmamahal natin kahit medyo nasasaktan na tayo sa mga pangyayari ng buhay.
Malaya tayong tumigil kung tayo ay nahihirapan.
Pero 'di naman tayo dapat tumigil sa pagmamahal.
Kaya kahit 'di nyo ko mahal, wala kayong magagawa kasi mahal ko kayo.

Screams and TearsMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon