Hindi mapagkaila na tuwing bumabalik sa bawat pahina
Ang puso'y sumisikip at naghuhumiyaw na sa sakit
Na tuwing binabasa ang huling kabanata
Hindi mapigil ang ngiting puno ng pait at ng sakit
Puso'y pinipiga, mga matang hindi mahinto sa pagluha
Kailan nga ba natin mararamdaman na wala na ang sakit
Kung sa bawat pagpatak ng kamay ng orasan
Alaalang naiwan ang gumuguhit?
Kailan ba mawawala ang pait
Kung sa bawat pagpikit, ngiti mo pa rin ang nakaukit?
Kailan hihinto ang pag-agos ng tubig
Ng dalawang talon na nakagapos?
Kailan mamumutawi ang totoong ngiti?
Kailan matatapos ang pighati?
Kailangan bang ganitong kasakit ang kapalit
Ng pagpapakawala ng pag-asang maganda pa ang ating maiuukit?
Na malayo pa sana ang tinahak ng ating pagguhit?
![](https://img.wattpad.com/cover/231127525-288-k521797.jpg)