Pagsuko (2019)

1 1 0
                                        

Pagsuko...
Isang salitang may pitong letra.
Totoo nga ba ang sinasabi ng iba na kapag importante sa'yo at mahal mo ay hindi mo dapat bitawan, at kailangan mo pa ngang pangalagaan?
Totoo bang 'pag siya'y iyong binitwan ay hindi totoo ang iyong pagmamahal?
Totoo bang kapag siya'y iyong iniwan ay ni minsan 'di mo sya nabigyang puwang sa inyong puso't isipinan?
Totoo bang 'pag ikaw ay sumuko ay tinatapos mo na ang laban?
Nakakatawa.
Oo, nakakatawa.
Dahil bihira lang ang nakaiisip na kapag sumuko ka ay 'di dahil duwag ka, may iba ka na, o wala nang pagmamahal ang natitira.
Minsan sumusuko tayo dahil para rin ito sa kanila.
Minsan sumusuko tayo dahil mas makabubuti ito sa kanila.
Minsan sumusuko tayo para sa kanila.
Hindi dahil di mo na kaya; hindi dahil may mahal ka nang iba; hindi dahil gusto mong kumawala mula sa kaniya kundi dahil mahal mo sya at mahalaga sya.
Dumadating tayo sa puntong pagsuko.
Darating tayo sa punto ng pagsuko.
Pero mahal, ito ay iyong pakatandaan: lalaban tayo hanggang sa ating makakaya; hindi tayo bibitaw sa pagsubok ng buhay.

Screams and TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon