Ang tulang ito
Ay para sa taong minahal ko
Ngunit mas piniling saktan
At iwanang duguan ang puso ko...
Kayang-kaya kitang ipaglaban,
Ang tanging problema nga lang ay hindi mo ako hinayaan.
Patuloy akong kumapit kahit na alam kong ika'y unti-unting sumisiksik
Sa tren na paalis, palayo sa akin na tunay na umiibig.
Kumapit ako kahit walang kakapitan
Tumakbo ako,
Humabol sa tren na mabilis na lumisan.
Ang taong mahal ko ay lulan ng isang tren na bakal
Na kahit anong sigaw at pagmamakaawa ko ay hinding-hinding mapakikinggan.
Ngunit sa pagtakbo at paghabol ko sa matulin na sasakyan
Ay napatid ako, nadapa, at nasaktan.
Dumugo 'di lang ang tuhod ko ngunit pati ang puso ko'y nasaktan.
Bakit nga ba napili mong sumiksik sa tren na 'yon at ako'y lisanin?
Ano pa bang kulang?
Sabihin mo naman para mabigyang pansin.
Ngunit sa pagkadapa ay muli akong bumangon.
Nagdurugo man ang tuhod at puso ko, ang mga mata'y 'di sumuko.
Hinding-hindi na ako iiyak.
Hinding-hindi na ako hahabol.
Hinding-hindi na muli magdurugo ang tuhod at puso ko
Sa kahahabol sa taong walang alam kundi saktan at iwanan lang
Ang taong ang tanging kagustuhan lamang ay ang ipakita at iparamdam
Ang pagmamahal na kanyang nadarama.
Malayong-malayo na ang tren
At pagod na pagod na rin ako.
