Ang Tula Ni Diyamante (2016)

3 1 0
                                    

Sa paglipas ng araw at gabi;
Sa pagsikat at paglubog ng araw;
Tanging ang mga titig ng mga mata mong malamlam
Ang pilit na pumapasok sa aking isipan.

Posible bang mahulog ka rin sa akin?
Posible bang tuwing nahuhuli kitang nakatitig sa akin ay puso mo'y naghuhuramentado rin?
Oras na ba upang bugksan ko ang saradong pinto ng puso ko
At ika'y hayaang lamunin ang sistema nito?

Tama bang umasa ako kahit na sa umpisa pa lamang ay alam kong walang kasiguraduhan ito?
Tama bang kumapit ako kahit na malinaw pa sa umaga na walang kahit ano ang pwedeng kapitan ng mga kamay ko?

Hahayaan ko ba ang puso ko na mahulog lalo sa'yo?
Hahayaan ko bang mas maghirap ako?
Sa paglubog ng araw at sa pagsikat ng magandang buwan,
Napaisip ako at napagtantong kailangan ko nang ihinto at itigil ang kahibangan kong ito.

Sino ba ang masasaktan sa kaaasa sa wala?
Sino bang mas mahihirapan sa pagkawala sa rehas ng imahinasyon na pwede yung ako at ikaw;
Na pwede yung salitang "tayo"?
Hindi naman ikaw, 'diba?
Kundi "ako", ako lang.

Sa pagsikat muli ng bagong umaga at sa pagkamatay ng nakalipas na araw,
Umupo ako sa dulo ng sasakyan, nakatingin sa lugar kung saan ako nanatili ng matagal.
Lalayo na ako sa taong walang kasiguraduhan kung mamahalin din ba ako.
Hindi muna ako bababa sa sasakyan hanggang sa lumubog muli ang araw at sumikat ang magandang buwan.

Ipipikit ko muna ang aking mga mata
At hahayaang magpahinga ang puso kong pagod na pagod na sa kaaasa.
Ititigil ko na ang kung anong nararamdam ko para sa'yo at
Maghihintay ako sa pagdating ng tamang tao na maaaring masuklian o mas higitan pa ang pagmamahal ko sa pangatlong letra ng alpabeto.

Screams and TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon