Chapter Twenty-One

25 1 0
                                    

Note: I am not a professional

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Note: I am not a professional. If any of the terms that I used are wrong please correct me. Thank you and happy reading havens! ❤️

I sat on the ground, helpless and scared. With shaking knees, I stood up and walked back to the house. I sat beside Tita Issa who is crying on the couch.

"T-Tita... a-ano po ang nangyari?"

Pinaharin niya ang kanyang mga luha bago ako tinignan at sinagot.

"K-Kinasuhan si Ate ng embezzlement ng kompanya dahil n-nagnakaw raw siya ng pera. Sabi nila accomplice daw ang Tito Dante mo..."

"A-Ano? Tita, kahit pa maghirap tayo 'di yun magagawa ni Mama!"

"Yun nga din ang sinabi ko sa mga police kanina kaso... kaso hindi sila nakinig," aniya at humaguhul ulit.

Bumuntunghininga ako. Nahagip ng aking mga mata ang aking mga kapatid. Nang nakita nila akong nakatingin mabilis silang bumalik sa kwarto. Pinikit ko ang aking mga mata bago tumayo. I went inside the room and hugged them both.

"A-Ate, ano na ang mangyayari kina Mama at Papa?" tanong ni Drian.

"Hindi naman kriminal si Mama at Papa, hindi ba Ate?" si Dave.

Agad akong umiling. "Hindi... Hindi sila kriminal dahi wala naman silang kasalanan. Makakalaya din sia."

I smiled at them reassuringly.

The whole night I didn't sleep. I researched about embezzlement. I balled my fists. I know my parents won't do that. They wouldn't do such a thing.

Pumunta kami sa police station kinabukasan para kausapin si Mama at Tito Dante.

"Ate, ano ba talaga ang nangyari? Nagnakaw ka ba talaga?" tanong ni Tita Issa.

"Hindi! Wala akong kasalanan!" marring sabi ni Mama.

"Then why are they accusing you of embezzlement?" I asked.

Mama breathed heavily before telling us the whole story.

"It was 2 days ago, kunti nalang ang natira sa opisina dahil alas nwebe na yun ng gabi. Nag overtime ako dahil 'di pa ako tapos sa isang transaction nang nag text sa 'kin si Ma'am Grace na kumuha ng pera sa drawer dahil may emergency raw. Kumuha ako ng pera at binigay sa kanya sa madilim na sulok ng opisina. Tinanong ko pa siya kung bakit doon kami nagkita, sabi niya basta lang kaya hindi na rin ako nag tanong pa."

My eyes widened. "So, you were just a victim!"

"Teka, bakit ka nakakuha ng pera sa drawer? May susi ka ba?" tanong ni Tita Issa.

Tumango si Mama. "Oo, bookkeeper ako parte yun ng trabaho ko."

"Bago pa ba yan ang manager niyo o matagal na?"

"Bago-bago pa."

Bumuntonghininga si Tita Issa.

"We were framed. Pinalabas nilang kami ang may sala dahil kuhang kuha naman sa CCTV na kumuha si Inna ng pera sa drawer," ani Tito Dante.

Inflamed Feelings (Amor Joven Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon